Malakas na immune system, pinakamabisang panlaban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total views

Naniniwala si Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc na mahalaga ang pagkain ng wasto at masusustansyang pagkain upang labanan ang anumang uri ng karamdaman kabilang na ang coronavirus disease.

Sa mensahe na ibinahagi ng obispo sa Radio Veritas, kinakailangan lamang ng tao na palakasin ang immune system upang makaiwas sa sakit. Sa pag-aaral ng mga eksperto, isa sa pinakadinadapuan ng COVID-19 ang mga taong mahina ang immune system.

“The most important thing to do now is to strengthen the immune system by eating healthy food and maintaining healthy lifestyles,” pahayag ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyang tala ng Mountain Province Provincial Health Office, umabot na sa 4,741 ang kabuuang kaso ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang 63 active cases.

Pagbabahagi ni Bishop Dimoc na bagamat walang bakuna noon, mataas ang naitatalang gumaling sa nakahahawang virus sa kanilang lugar na sa kasalukuyan nasa 4,596 o 96-porsyento sa total cases.

“Before the introduction ng vaccines, mataas ang recovery ng mga positive. Hence, the immune system can produce antibodies against COVID-19,” dagdag pa ng obispo.

Sinabi ni Bishop Dimoc na binibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan sa lugar ang pagbabakuna sa mga senior citizens at mga may comorbidities na higit na nangangailangan ng proteksyon laban sa virus.

Iginiit ng Obispo na higit na kinakailangan ang pag-iingat sa pangangatawan lalo na sa mga kinakain na magbibigay kalakasan sa kalusugan, sapagkat hindi sapat ang bakuna bilang pananggalang sa virus tulad ng pneumonia.

Sa kabila naman ng pagkakaroon ng bakuna, naitala ang mahigit 50-libong pagkasawi ng mga Filipino dahil sa naturang sakit noong 2018 ayon sa pag-aaral ng Statista Research.

Patuloy naman ang pagkilos ng simbahan sa pagpapalalim sa espiritwalidad at paghingi ng gabay sa Panginoon laban sa nararanasang krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 33,780 total views

 33,780 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 158,191 total views

 158,191 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 200,942 total views

 200,942 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 279,839 total views

 279,839 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top