Pagkakapaslang sa isang quarantine violators sa Tondo, kinundena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 402 total reads

Mariing kinundena ng Commission on Human Rights ang pagkakapaslang ng isang quarantine violator sa Tondo Manila.

Sa pahayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, iginiit nitong nababahala ang komisyon na muling naulit ang pagkasawi ng quarantine violator na nangyari noong nakalipas na buwan nang ipatupad ang mahigpit na panuntunan ng community quarantine.

Binigyang diin ni de Guia na hindi tugon ang karahasan sa lumalalang krisis pangkalusugan na dulot ng coronavirus.

“The Commission has repeatedly stressed throughout the ongoing pandemic that this is a health crisis, not a peace and order agenda. Employing force will not eliminate the virus, but may instead further imperil and harm lives, which the quarantine rules is supposed to protect,” pahayag ni de Guia.

Batay sa ulat ng pulisya nabaril ng 156 Barangay Tanod na si Cesar Panlaqui si Eduardo Geñoga noong Agosto 7 ng gabi makaraang sitahin ang biktima dahil sa pag-iingay.

Lumapit ang biktima kay Panalaqui hawak ang isang stick dahilan upang barilin ito sa dibdib ng suspek.

Sa pahayag ng mga kaanak ng napaslang na quarantine violator, may problema sa pag-iisip ang biktima.

Mariing paalala ng CHR sa mga tagapagpatupad ng batas na dapat tingnan at tugunan ang suliranin batay sa lebel ng banta at pairalin ang paggalang sa karapatang pantao ng mamamayan.

“We continuously remind authorities to adhere to human-rights based policing and to respect every individual’s dignity, especially the vulnerable ones, and human rights-based approach must be employed to ensure the welfare of all, especially the vulnerable and impoverish sectors,” ani de Guia.

Matatandaang noong Abril napatay din ng barangay tanod sa Calamba City Laguna si Ernanie Lumban Jimenez dahil sa paglabag sa quarantine protocol at curfew sa lugar.

Nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang CHR hinggil sa insidente upang mabigyang katarungan ang pagkasawi ni Geñoga habang ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa PNP ang masusing imbestigasyon lalo’t hindi pinapayagan sa batas ang pagdadala ng baril ng mga barangay police.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,322 total reads

 72,322 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,857 total reads

 150,857 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,305 total reads

 184,305 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,602 total reads

 219,602 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,200 total reads

 443,200 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top