Matatag na pananampalataya, mabisang panlaban sa depresyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Palalimin pa ang pananampalataya sa gitna ng umiiral na krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ito ang mensahe ni Fr. Rene Richard Bernardo, health priest minister ng Diyosesis ng Kalookan para sa lahat ng mga mananampalatayang nakakaranas ng depresyon ngayong pandemya.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Bernardo, hinihikayat nito ang bawat isa na patatagin at paigtingin pa ang pananampalataya upang maiwasan ang stress na isa sa mga pangunahing dahilan ng depresyon ng isang tao na lubha namang nakakaapekto sa immune system.

“Kaya nga I encourage people na laliman ang pananampalataya kasi ‘yung stress, isa yan sa malakas makapagpababa ng immune system. So kapag ‘yang stress natin, if we fail to handle our stress and manage incorrectly, talagang it weakens our immune system,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bernardo sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc na sa panahon ngayon ay napakahalagang palakasin ng immune system sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at masustansiyang pagkain upang maiwasan ang mga karamdaman.

Batay sa pagsusuri, 42-porsyento sa mga Filipino ang nakakaranas ng stress, anxiety at depression sanhi ng patuloy na epekto ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kabila naman ng pansamantalang pagsasara ng mga parokya bunsod ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan, sinisikap pa rin ng simbahan na maihatid sa mga mananampalataya ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng online masses.

Isa na rito ang Radio Veritas na patuloy na nagsasagawa ng online Healing Masses na mapapakinggan sa Veritas 846 AM at mapapanood naman sa official Facebook page na Veritas846.ph tuwing alas-sais ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-sais ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 68,044 total reads

 68,044 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,736 total reads

 146,736 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,183 total reads

 180,183 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,480 total reads

 215,480 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,211 total reads

 439,211 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,513 total reads

 157,513 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top