Bigyang halaga ang kalagayan ng mga bata, panawagan ng CBCP sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat bigyan ng kaukulang pansin ang mga kabataan upang maiwasan ang stress ngayong umiiral ang coronavirus pandemic.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, Chairman-elect ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education para sa mga magulang dahil karamihan sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ‘stress from school’ dahil sa online classes sa gitna ng pandemya.

“Napakahalaga marahil na makausap talaga ng mga magulang ang kanilang mga anak kung ano ang kanilang nararamdaman sa panahong ito at kung ano ang kanilang mga palagay, ang iniisip,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na kaya maraming kabataan ang nakakaranas ng stress ngayong pandemya ay dahil masyado na itong nakatutok sa online classes at hindi na nila makahalubilo o makalaro ang mga kaibigan at kaklase, kumpara noong wala pang pandemya.

“One of the many ways for us to grow is to socialize, especially among friends. So, sa nakikita ko, talagang it makes stress dahil nananatili sila sa small space. And then there’s also they don’t see their friends… They can’t go anywhere or play the games they used to play, not only with one another among siblings, but with other young people,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Batay sa ulat ng National Center for Mental Health, simula taong 2020 ay patuloy na ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang tumatawag sa kanilang crisis hotline para sa mental health consultation na ang kadalasang dahilan ay ang stress na sanhi ng online classes.

Payo naman ni Bishop Mangalinao sa mga magulang na sikaping maglaan ng oras upang maiparamdam sa mga anak ang pagmamahal at pag-aalaga na higit na makatutulong upang maibsan ang nararanasang suliranin ngayong pandemya.

“Siguro ang solusyon ay dapat maging sensitibo ang mga magulang na sa ngayon ay busy’ng busy din sa pagtatrabaho… Mahalaga ‘yung trabaho para sa kanilang mga anak pero pag sinasabi nating nai-stress ang mga bata, siguro dapat nila itong bigyang pansin… Mahalaga rin dito ang time management sa mga bata,” saad ng Obispo.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey noong Oktubre hanggang Nobyembre nang nakaraang taon, lumabas dito na negatibo ang epekto ng ‘online education’ sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo sa buong bansa.

Samantala, ayon naman sa Department of Education magsisimula ang panibagong school year sa Setyembre 13, 2021, ngunit hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face classes, maliban na lamang kapag ipinag-utos na ng Malacañang.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,154 total reads

 14,154 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,216 total reads

 15,216 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,678 total reads

 30,678 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 68,055 total reads

 68,055 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,325 total reads

 99,325 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,617 total reads

 174,617 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,358 total reads

 267,358 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,236 total reads

 74,236 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top