Sabado nights vaccination, inilunsad ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 835 total reads

Kaisa ang Diyosesis ng San Pablo, Laguna sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa vaccination program ng pamahalaan upang masugpo at malunasan ang umiiral na coronavirus pandemic sa bansa.

Ayon kay Monsignor Jerry Bitoon, rektor at kura paroko ng Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit, inilunsad ng Diyosesis ang ‘Sabado Nights’ program na layong makatulong sa pamahalaang lungsod ng San Pablo sa mabilis na pamamahagi ng mga COVID-19 vaccines sa mamamayan lalu sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) at mga senior citizens.

Tinagurian itong ‘Sabado Nights’ sapagkat isinasagawa ang pagbabakuna tuwing Sabado at nagsisimula sa hapon hanggang gabi sa patio ng Katedral.

“Sabado Nights is a vaccination para sa mga APOR. So every Saturday, meron kaming vaccination sa aming patio ng Cathedral kasi malaki… Mayroong ina-assign sa amin na 500 slots. Kaya tinawag siyang Sabado nights dahil ginagawa from late afternoon hanggang gabi,” pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Msgr. Bitoon na nasa humigit-kumulang 3,000 indibidwal na ang nabigyan ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng programa ng Diyosesis katuwang ang lokal na pamahalaan.


Sinabi rin ng pari na sa kasalukuyan, ang Katedral pa lamang ang nagsasagawa ng ganitong programa sa Diyosesis sapagkat ang ibang parokya ay walang malawak na lugar na mayroong maayos na daluyan ng hangin na kailangan para sa mas ligtas na pamamahagi ng bakuna sa publiko.

“Sa ibang parokya kasi wala silang ganung kalaki na patio. Kasi ang kailangan talaga ay malawak… ‘yung al fresco, ‘yun bang hindi naka-enclosed. So that’s why, so far, ang Katedral ng San Pablo ang may ganitong Sabado Nights,” saad ni Msgr. Bitoon.

Batay sa huling tala, nasa mahigit 26-milyong indibidwal na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa bansa, kung saan higit sa 14-milyon rito ay natanggap na ang unang dose ng bakuna habang nasa higit 12-milyon naman o 17-porsyento ng populasyon ng bansa ang nakatanggap na ng ikalawang dose

Patuloy naman ang panagawan ng simbahan sa mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19 upang mabigyan ng karagdagang kaligtasan lalo na sa pinangangambahang epekto ng Delta variant.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,915 total reads

 16,915 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,740 total reads

 17,740 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,570 total reads

 34,570 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,947 total reads

 71,947 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,216 total reads

 103,216 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,270 total reads

 178,270 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,800 total reads

 270,800 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,449 total reads

 74,449 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top