Ipagdasal ang medical frontliners, panawagan ni Bishop Bendico

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Hinihikayat ng punong pastol ng Diyosesis ng Baguio ang bawat isa na mag-alay ng panalangin para sa mga medical frontliners na ngayo’y lubos na nahihirapan sa sitwasyong dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Victor Bendico, dapat na bigyang-atensyon ng pamahalaan ang mga medical workers na magmula nang lumaganap ang COVID-19 sa bansa ay hindi na tumigil sa pagbibigay-lunas sa mga pasyenteng apektado ng virus.

Sinabi ng Obispo na hindi sapat at hindi makatarungan ang natatanggap na benepisyo ng mga empleyado ng ospital sa kabila ng kanilang pagsasakripisyo at panganib na maaaring makuha sa virus.

“Our health workers during this time of pandemic need gov’t attention and our prayers. They are tired and exhausted. Too much work, placed in too risky situations yet low pay,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Bendico ang lubos na kaligtasan ng mga medical frontliners laban sa banta ng virus upang mapaglingkuran nang maayos ang mga pasyenteng higit na nangangailangan ng atensyon.

Gayundin ang pagkakaroon ng katatagan at lakas ng loob na maligtas at maitaguyod ang kanilang mga pamilya sa gitna ng krisis dulot ng pandemya.

“I hope they still have the energy and determination to sacrifice their time, bodily health and strength to serve where service is needed… We pray for them to go on with their work. Their concerns are not only the care of their patients but also the protection of their family members,” saad ni Bishop Bendico.

Nakasaad sa Bayanihan Law na ang Special Risk Allowance ay ang benepisyong nagkakahalaga ng P5000 na matatanggap ng bawat medical frontliners kada buwan bilang insentibo ngayong panahon ng pandemya.

Kapag ito’y hindi natugunan ng pamahalaan, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga magbibitiw na healthcare workers na maaari ding magdudulot ng negatibong epekto sa sistemang pangkalusugan ng bansa.

Patuloy naman ang pakiusap ng Department of Health laban sa binabalak na ‘mass resignation’ at nangakong agad na tutugunan ang mga hinaing ng mga healthcare workers.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,302 total reads

 13,302 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,451 total reads

 14,451 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,502 total reads

 29,502 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 66,879 total reads

 66,879 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,149 total reads

 98,149 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,515 total reads

 173,515 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,317 total reads

 266,317 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,153 total reads

 74,153 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top