Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, hinamon ang pamahalaan na bigyan ng tunay na pagkilala ang medical workers

SHARE THE TRUTH

 441 total views

Ang mga medical workers na nagsisilbing frontliners sa laban ng bansa mula sa banta ng panganib na dulot ng COVID-19 virus ang maituturing na mga bagong bayani.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines kaugnay sa paggunita ng bansa sa Araw ng mga Bayani o National Heroes Day.

Ayon sa Obispo, kabilang sa kanyang partikular na panalangin ay ang lahat ng mga Pilipinong medical frontliners na pumanaw at inialay ang kanilang mga buhay sa laban kontra COVID-19.

Giit ni Bishop Bagaforo, nawa ay ganap na mabigyang pagkilala ng pamahalaan ang lahat ng mga sakripisyo at pagpupursige ng mga medical frontliners na gampanan ang kanilang tungkuling sinumpaan sa larangan ng medisina sa kabila ng panganib sa kanilang buhay at pagkalayo sa mga mahal sa buhay.

“My prayers today is for all our Pilipino doctors, nurses, and medical people who have died because of COVID-19. They are our national heroes today!! I urge our government to recognize them soonest.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Tema ng National Heroes Day 2021 ngayong taon ang “Heroism of Each Filipino, Key to Victory and Humanity” na naglalayong kilalanin ang kabayanihan ng bawat isa para sa pagtatagumpay ng buong bayan mula sa iba’t ibang mga pagsubok sa kasalukuyan kabilang na ang COVID-19 pandemic.

Samantala, una ng nagpahayag ng suporta at tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin para sa kapakanan ng mga medical frontliners sa bansa na hindi matatawaran ang sakripisyo na makapagkaloob ng serbisyong medikal sa kabila ng mga nakabinbing pangakong benipisyo ng pamahalaan.

Kabilang sa mga pangakong benepisyo ng pamahalaan para sa mga medical frontliners ay ang meal allowance, transportation allowance at accomodation allowance gayundin ang Special Risk Allowance at Active Hazard Duty Pay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 1,649 total views

 1,649 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 20,220 total views

 20,220 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 45,770 total views

 45,770 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 56,571 total views

 56,571 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567