Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 920 total views

Kapanalig, ang No Poverty ay Sustainable Development Goals No. 1. Nilalayon nito na iwaksi ang anumang uri ng kahirapan sa lahat ng bahagi ng mundo. Kaya lamang, ang patuloy na pananalasa ng COVID 19 pandemic ay isang malaking hadlang sa ating mithiin na No Poverty.

Ayon sa datos ng United Nations, tinatayang umabot pa ng karagdagang124 milyong katao sa buong mundo ang tinulak sa sukdulang kahirapan o extreme poverty ng COVID 19 pandemic. Pagdating ng 2030, inaasahang magiging 7% ang global poverty rate – sablay sa SDG 1.

Nakakalungkot isipin na ang pinaghirapang kaunlaran ng mga bansa sa loob ng maraming taon ay mabilis na  binawi ng pandemya. At mas nakakalungkot isipin na ang paghihirap na nadarama ng marami ay makakasama nila sa mahaba pang panahon dahil na rin sa katagalan ng pandemya.

Ano ba ang maaring gawin ng mga bansa, lalo na gaya nating hirap makawala sa kahirapan? Ayon sa National Economic Development Authority, magiging elevated o mataas pa rin ang unemployment sa bansa at mas maraming Filipino ang maghihirap ngayong paparating na 2022. Dahil dito, magiging mas malakas at mas marami ang pangangailangan para sa social protection, gaya ng ayuda o cash assistance. Pantawid gutom, pantawid buhay ang kakailanganin ng masa.

Kailangan nating ma-improve pa, kapanalig, ang mga social protection measures ng bansa, pati ang paraan ng pag-implement o pagpatakbo nito. Nitong nakaraang ECQ, hirap na hirap pa rin ang gobyerno na ipamahagi ang isang libong piso ayuda. Tapos na nga ang ECQ, pero marami pa rin hanggang ngayon ang hindi  nakatanggap nito.

Una sigurong gawin, kapanalig, ay siguraduhing inklusibo ang listahan ng mga benipasaryo ng ayuda o social protection. Hindi tama na ibase ang listahan ng maralita mula sa survey o census na ginawa bago magpandemya.  Mas marami ng nadagdag ngayon, kaya’t kailangan mabilang natin sila. Ano pa ang esensya ng ating ayuda kung malaking bahagi ng mamamayang maralita ang hindi makakasama?

Pangalawa, kapanalig: huwag sana nating idamay sa pulitika ang social protection. Ang ayuda ay hindi galing sa bulsa ng pangulo o ng kahit sinumang pulitiko. Ito ay mula sa pinagsamang pera ng mamamayan – buwis na pinaghirapan ng lahat. Ang purpose o layunin ng buwis ay upang isulong ang kapakanan ng lahat. Hindi ito dapat gamiting instrumento ng pang-iimpluwensya o pagpopostura para sa political gains.

Kapanalig, ang kapalpakan ng anumang pamahalaan sa pagbibigay ng social protection sa kanilang mamamayan ay matuturing na krimen – buhay na ang kapalit nito lalo pa’t nasa gitna tayo ng pandemya. Sa atin, habang naghihintay ng isang libong pisong ayuda ang mga mahihirap, bilyong bilyong piso pala ang nakukulimbat sa ating kabang bayan. Kaya’t akma sa ngayon ang paalala ng Gaudium et Spes: Faced with a world today where so many people are suffering from want, individuals and governments must remember: “Feed the people dying of hunger, because if you do not feed them you are killing them.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 34,636 total views

 34,636 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 55,363 total views

 55,363 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 63,678 total views

 63,678 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 81,904 total views

 81,904 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 98,055 total views

 98,055 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 34,637 total views

 34,637 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 55,364 total views

 55,364 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 63,679 total views

 63,679 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 81,905 total views

 81,905 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 98,056 total views

 98,056 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 68,443 total views

 68,443 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 56,872 total views

 56,872 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 57,095 total views

 57,095 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 49,797 total views

 49,797 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 85,342 total views

 85,342 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 94,218 total views

 94,218 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 105,296 total views

 105,296 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 127,705 total views

 127,705 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 146,423 total views

 146,423 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top