Loon Church, naibalik na sa dating anyo matapos mapinsala ng lindol noong 2013

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Tiniyak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pag-iingat at pangangalaga sa bahay dalanginan ng Nuestra Señora de la Luz sa Loon Bohol.

Ito ang mensahe ni Bishop Alberto Uy kasunod ng pormal na pag-turnover matapos ang pagsasaayos at maibalik sa dating anyo ang simbahan na lubhang napinsala ng lindong noong 2013.

“Your priest and I, promise to honor the commitment of the Diocese of Tagbilaran to maintain and promote this sacred edifice as a temple worthy of our divine worship of the triune God and a true source of pride of place for all Boholano,” bahagi ng mensahe ni Bishop Uy.

Matatandaang ang Loon Church ay isa sa mga simbahang ideneklarang ground zero matapos yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang lalawigan noong Oktubre 2013.

Isa ang Loon Church sa mga kilalang simbahan ng Bohol dahil sa mayamang bahagi ng kasaysayan na unang itinatag ng mga misyonerong Heswita noong 1753 habang taong 1758 naman ng ipagkatiwala ito sa mga Rekoleto.

Batay pa sa kasaysayan 1855 nang ganap na mailuklok ang imahe ng Birhen de la Luz sa Loon Bohol.

Taong 2010 naman ng ideneklara ng National Historical Commission of the Philippines ang Loon Church bilang National Historical Landmark at National Cultural Treasure naman ng National Museum of the Philippines.

Dahil dito, tumulong ang national government sa pagsasaayos ng simbahan na maibalik sa dating anyo dahil sa pagiging malaking bahagi at kahalagahan nito sa kasaysayan ng bansa lalo na sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan.

Pinasalamatan ni Bishop Uy ang pamahalaan at mananampalataya na nagtulungan upang muling maitayo ang simbahan at maipagpatuloy ang misyong ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.

Ginanap ang turnover ceremony at dedication ng simbahan nitong September 7 na dinaluhan ng mga opisyal ng local government, opisyal ng National Museum at National Historical Commission, mga pari ng diyosesis at mananampalataya ng Loon Bohol.

Nagagalak ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng muling buksan ang simbahan lalo ngayong September 8 na ipinagdiriwang ang kaarawan ng Mahal na Ina at kapistahan ng naturang parokya.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,308 total reads

 9,308 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,435 total reads

 9,435 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 17,569 total reads

 17,569 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 73,975 total reads

 73,975 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 197,476 total reads

 197,476 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 281,986 total reads

 281,986 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top