Bishop Famadico, ipinagdarasal ang kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng Bagyong Jolina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Idinadalangin ni San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico ang kaligtasan ng lahat laban sa pananalasa ng Bagyong Jolina at hanging Habagat sa malaking bahagi ng bansa.

Ipinagdarasal ni Bishop Famadico na pagkalooban ng Panginoon ang bawat isa nang lakas ng loob at pag-asa sa kabila nang mga sakuna lalo na’t patuloy pa ring umiiral ang coronavirus pandemic sa lipunan.

Hinihiling din ng Obispo na nawa’y sa ganitong mga pagsubok ay manaig din sa bawat isa ang pagtutulungan at pagmamalakasit lalo na sa mga higit na nangangailangan at apektado ng mga sakuna.

“Mapagkalingang Ama, sa gitna ng paghihirap dala ng pandemic [ay] dumating itong bagyo. Alam namin na kasama ka pa rin namin upang tulungan kami at iligtas. Bigyan mo kami ng lakas upang magkatulungan at magbahaginan sa gitna ng kakulangan. Bigyan mo rin kami ng ibabahagi sa isa’t isa. Punuin mo kami ng lakas ng loob at pag-asa,” panalangin ni Bishop Famadico laban sa sakuna.

Batay sa forecast ng PAGASA, patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang dalawang bagyong nakakaapekto sa buong bansa na pinalalakas ng Hanging Habagat.

Ito ay ang Bagyong Jolina na huling namataan sa San Nicolas, Batangas, kung saan taglay pa rin nito ang lakas ng hangin sa 95 kilometro kada oras malapit sa sentro, pagbugso na aabot sa 160 km/h, at kumikilos sa direksyong pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Habang binabantayan din ang Bagyong Kiko na nasa silangang bahagi ng Gitnang Luzon, taglay ang lakas ng hangin sa 155 km/h malapit sa gitna, pagbugso na aabot sa 190 km/h, at kumikilos pakanluran-timog-kanlurang direksyon sa bilis na 20 km/h.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,735 total reads

 10,735 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,862 total reads

 10,862 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,837 total reads

 19,837 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,243 total reads

 76,243 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,744 total reads

 199,744 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,125 total reads

 284,125 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,266 total reads

 175,266 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top