Archbishop Cabantan at Valles, pangungunahan ang canonical installation at episcopal ordination ni Bishop Pedregosa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 801 total views

Higit pang palalaganapin ni Malaybalay Bishop-elect Noel Pedregosa ang misyon ni Kristo kasabay ng kanyang episcopal ordination sa Setyembre 14, 2021.

Ayon sa obispo, ang kanyang pagtanggap sa panibagong hamon bilang lingkod ng simbahan ay pasasalamat sa Panginoon sa kabutihang hatid nito sa diyosesis.

“Nais kong ipagpatuloy ang ebanghelisasyon, pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon sa diocese [Malaybalay] na sinimulan ng maraming misyonero unang una ng mga Augustinian Recollect at sinundan ng mga Jesuits,” pahayag ni Bishop-elect Pedregosa sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop-elec Pedregosa na makahulugan ang araw ng kanyang ordinasyon at canonical installation sapaglat kasabay ito ng kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal na sagisag ng ng tagumpay na hatid ni Hesukristo sa sanlibutan.

Sinabi ng Obispo na magandang pagkakataon din itong ialay sa Panginoon ang pasasalamat sapagkat ipinagdiwang ng simbahang katolika sa bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo.

“Panahon din ito ng kasiyahan at pasasalamat sapagkat hinirang ako ng Panginoon para maging pastol ng Malaybalay kasabay ng pagdiriwang ng 50 years as diocese at the same time 500 years of Christianity ng Pilipinas,” ani Bishop-elect Pedregosa.

Pangungunahan ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang ordinasyon at installation ni Bishop-elect Pedregosa katuwang sina CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles at Cotabato Archbishop Angelito Lampon.

Dadalo rin sa pagdiriwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin, Fr. Carlo Del Rosario at ilang opisyal ng simbahan sa karatig diyosesis.

Bago ang banal na misa sa alas nuwebe ng umaga ay gaganapin ang liturgical reception sa alas 8:30; ang profession of faith at Oath of Fidelity to the Holy Father.

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 infection sa lugar ay 120 lamang ang pinahintulutang makadalo ng pisikal sa ordinasyon ni Bishop-elect Pedregosa upang maiwasan ang malakihang pagtitipon at pagtalima sa alintuntunin sa ilalim ng Modified-ECQ status ng Malaybalay.

Patuloy na humihiling ng panalangin ang ikalimang obispo ng Malaybalay sa pagtupad sa misyong iniatang ng Inang simbahan ang pangangalaga sa mahigit isang milyong mananampalataya katuwang ang 100 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,580 total views

 84,580 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,803 total views

 114,803 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,452 total views

 141,452 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,425 total views

 236,425 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,877 total views

 251,877 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top