Diocese of Tarlac, makikibahagi sa National Laity Week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Tiniyak ng Diocese of Tarlac ang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ng National Laity Week sa ika-18 hanggang ika-25 ng Setyembre na may temang “Celebrate as One in 2021: The Gift of Christianity, the Gift of Mission, the Gift of Unity.”

Ayon kay Rev. Fr. Jason Aguilar – Director ng Tarlac Diocesan Council of the Laity, isang Virtual Conference at Banal na Misa ang isasagawa sa diyosesis sa ika-25 ng Setyembre kung saan inaanyayahan ang lahat partikular na ang lay leaders ng diyosesis na makibahagi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa live-streaming ng gawain sa Facebook page ng Tarlac Diocesan Council of the Laity (TDCL), Diocese of Tarlac at Radio Maria.

“Ang Tarlac Diocesan Coucil of the Laity ay makikilahok sa pagdiriwang na ito, sa September 25, Sabado po yun sa taong ito ay magkakaroon ng Video Conference virtual po ito sa ganap na alas-dos ng hapon kasunod nito ay ang pagdiriwang ng banal na misa sa ganap na alas-tres y medya ng hapon online din po ito. Sana’y makadalo po kayo sa online celebration ng National Laity Week dito sa Diocese of Tarlac lalong lalo na ang lahat po ng mga lay leaders ng ating diyosesis.” Ang bahagi ng paanyaya ni Rev. Fr. Jason Aguilar sa pamamagitan ng isang video message.

Sa pamamagitan naman ng isang sirkular ay hinikayat ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg ang bawat mananampalataya kabilang na ang mga lingkod ng Simbahan sa diyosesis na makibahagi sa pangkabuuang Pagdiriwang ng Pambansang Lingo ng mga Layko mula ika-18 hanggang ika-25 ng Setyembre.

Inanyayahan rin ng Obispo ang bawat isa sa lokal na pagdiwang ng diyosesis kung saan tampok sa Virtual Conference and Forum si Sangguniang Laiko ng Pilipinas Executive Vice President Ms. Rosalinda Y. Basas na magbabahagi ng kanyang mga pagninilay kaugnay sa paksang “New Perspective of Christian Mission: Rebuilding the Role of the Laity During the New Normal” na susundan naman ng isang banal na misa na pangungunahan ni Bishop Macaraeg.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,430 total reads

 90,430 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,712 total reads

 167,712 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,160 total reads

 201,160 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,459 total reads

 236,459 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,462 total reads

 459,462 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top