Ecowaste, nagbabala sa panganib na dulot ng magnet

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko hinggil sa pagbili ng mga magnet na posibleng may halong kemikal na maaari namang magdulot ng panganib sa mga bata.

Ito ang paalala ng grupo bilang bahagi ng toy safety campaign ngayong papalapit na muli ang Pasko.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo na bagamat itinuturing na educational tool tulad ng mga laruan, ang magnet ay mayroong kemikal na lubhang mapanganib sa kalusugan kapag nakain ng mga bata.

“Whether used for science experiments or for playing games, magnets, like any other products marketed for children’s use, must be safe from lead, which is toxic if ingested and can trigger negative health effects,” ayon kay Dizon.

Batay sa pagsusuri ng EcoWaste, ilang uri ng mga magnet ang mayroong lead paint na lumagpas sa regulatory limit na 90 parts per million (ppm).

“The yellow paint on the surface of the star-shaped magnet had 23,600 ppm of lead, while the red paint on the bar-, heart- and U-shaped magnets had 1,148 to 4,122 ppm. The pink paint on the arrow-shaped magnet contained 1,012 ppm of lead,” ayon sa pahayag.

Nakasaad sa Department of Environment and Natural Resources Administrative Order 2013-24 o Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lead paint sa mga laruan at school supplies.

Matatandaan noong Pebrero nang kasalukuyang taon ay ipinabalik ng US Consumer Product Safety Commission ang nasa 13,000 units ng invention science kits na naglalaman ng lead painted magnets na lumabag sa federal lead paint ban.

Samantala, ayon naman sa katuruang panlipunan ng simbahan, bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang namumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,256 total reads

 86,256 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,884 total reads

 163,884 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,332 total reads

 197,332 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,630 total reads

 232,630 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,767 total reads

 455,767 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,983 total reads

 157,983 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top