Department of Education hinimok ng CEAP na magpalabas ng guidelines sa pagpapatupad ng limited face to face classes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Kinilala ng Catholic Educational Association of the Philippines – National Capital Region ang hakbang ng Department of Education na pagpapatupad ng limited face to face classes sa piling rehiyon.
Sa pahayag ni CEAP NCR Trustee Fr. Nolan Que, ito ang batayan ng mga Catholic schools sa pagbalangkas ng mga polisiya para sa mas maayos na implementasyon lalo na sa pagsunod sa new normal sa larangan ng edukasyon sa bansa.
“We welcome the initiatives of the Department of Education on its pilot implementation of face-to-face classes of selected schools in low-risk areas,” bahagi ng pahayag ni Fr. Que.

Hinimok din ni Fr. Que ang DepEd na maglabas ng panuntunang susundin tulad ng Department Order 14 s. 2020 o ang Guidelines on the Required Health Standards in Basic Education Offices and Schools upang maibsan ang pangamba ng mga magulang sa kaligtasang pangkalusgan ng kabataan sa pagbabalik ng face to face classes.

“To allay the fears of parents and other stakeholders, we ask the Department of Education to release to the general public the guidelines of the limited face-to-face classes in the form of a department order,” ani Fr. Que.

Umaasa rin ang opisyal na paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang pakikipagtulungan sa nasabing hakbang lalo na ang pagpapatupad ng safety health protocol sa mga napiling eskwelahan sa pilot testing nito.

Sinabi pa nitong magsisimula sa paghahanda ang mga CEAP-member schools sa oras na maglabas ng panutunan ang DepEd at pagtiyak ng mga LGU sa quarantine health protocol.
Kamakailan ay inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng DepEd na magpatupad ng limited face to face classes sa 120 paaralan sa buong bansa partikular sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Batid ng pari na kinakailangang makaballik sa mga paaralan ng mga kabataan na ayons a pag-aaral ng UNICEF noong 2020 iginiit nitong hindi maaring palitan ng distance learning ang face to face classes lalo’t maraming mga kabataan sa mga kanayunan ang walang sapat na kakayahan para sa online education.
“We cannot hide forever. This endeavor is a calculated risk that all schools in the country must take to begin the transition from distance learning to limited face-to-face learning,” ani ng pari.

Kaugnay dito hinikayat ni Fr. Que ang mga pinuno ng catholic schools na simulan ang proseso para makabalik sa eskwelahan ang mga kabataan.
“We call on the heads of Catholic schools to begin planning this transition as soon as possible. Please begin the process of securing the consent of parents who wish to avail this when the limited face-to-face sessions are available in your areas,” saad ng pari.

Paalala rin nito sa mga eskwelahan na manatiling ipatupad ang kasalukuyang blended learning para sa mga estudyanteng pipiliin ang online learning.
Dalangin ni Fr. Que ang paggabay ng Panginoon at ng Banal na Espiritu sa tulong ng Mahal na Birheng Maria para sa mas maayos na transition at pananatiling matatag ng bawat isa sa nagpapatuloy na banta ng pandemya.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,863 total reads

 10,863 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,193 total reads

 12,193 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,801 total reads

 25,801 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,179 total reads

 63,179 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,449 total reads

 94,449 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,025 total reads

 170,025 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,009 total reads

 263,009 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,864 total reads

 10,864 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top