Visayas at Romblon Bishops, naglabas ng collegial statement laban sa casino sa Boracay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Naglabas ng collegial statement ang Western Visayan and Romblon Bishops and Diocesan Administrator laban sa binabalak na pagtatayo ng casino sa Boracay Island.

Paksa ng naturang pahayag ang “No to Gambling Casino, No to Gambling in Boracay!” na hinihimok ang pamahalaan na huwag nang ituloy ang binabalak na pagtatayo ng casino sa isla at sa halip ay pakinggan ang panawagan ng mamamayan na panatilihing malinis at ligtas para sa tao ang Boracay.

“We appreciate the efforts of our government in restoring the natural, God-given wonders of Boracay Island that make it famous here and abroad. We appeal to our public servants to hear our people’s plea to keep Boracay clean, safe, child and family-friendly island to visit and to spend precious quality time with our loved ones,” ayon sa pahayag.

Nakasaad din dito na ang pagkakaroon ng lugar-sugalan sa Boracay ay magbubunsod lamang upang malihis ang kagustuhan ng mga turista na ituon ang pansin na makita ang tunay na kagandahan ng isla at mabigyang-daan ang mapaminsalang gawain na makakaapekto sa kaugalian, kultura at buhay ng mga nasa komunidad.

“Having the gambling casinos in Boracay will not only divert and distract visitors from the true beauty and value of this most cherished island but will also pave the way for destructive lifestyles and habits that will significantly alter and destroy the treasured values, culture and life of the community,” dagdag nito.

Sa mga nakalipas na taon, may ilang pagsusuri na ang pagsusugal ay nagdudulot ng pagkalulong na maaaring makaapekto, hindi lamang sa sarili, kundi sa pamilya at kapwa.

Naitala na higit sa 80-porsyento ng mga nalululong sa sugal ay dulot din ng alak at droga na nagreresulta rin sa paggawa ng krimen o kasalanan.

Kaya naman binibigyang-diin ng simbahang katolika na hindi ito tutol sa anumang uri ng pag-unlad ngunit dapat ito ay nakatutulong sa pagpapanatili at pagpapabuti ng lahat, partikular na sa tao at kalikasan.

“As Church, we are not against development but it should be a development that is both sustainable and integral, a development that is authentically just and for the common good,” saad ng pahayag.

Ngayong Oktubre 04, 2021, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi, ang collegial statement na ito ay nilagdaan nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo; San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda; Bacolod Bishop Patricio Buzon; San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; at Kabankalan Bishop Louie Galbines.

Lumagda rin sa nasabing pahayag sina Capiz Diocesan Administrator Cyril Villareal; Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc; at Romblon Bishop Narciso Abellana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 81,022 total reads

 81,022 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 159,093 total reads

 159,093 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,541 total reads

 192,541 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,837 total reads

 227,837 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 451,152 total reads

 451,152 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,835 total reads

 157,835 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top