Cardinal Advincula, kinilala at pinasalamatan ang mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Kinilala at pinasalamatan ng Archdiocese of Manila ang mga guro sa paggunita ng World Teachers Day.

Ayon kay Archbishop Jose Cardinal Advincula,isang bokasyon ang pagiging guro na humuhubog sa bawat kabataan.

“Binabati ko ang lahat ng mga guro sa araw na ito na ginugunita natin ang Teachers’ Day. Ang pagiging guro ay hindi lamang isang profession. Ito ay isang vocation, isang pagtawag mula sa Diyos. Ang pagtuturo at paggabay sa mga estudyante ay hindi lamang trabaho. Ito ay paglilingkod. Salamat sa inyong tapat na pagtugon sa tawag ng paglilingkod,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batid ng arsobispo ang malaking hamong kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng pandemya kung saan ipinatupad ang online at blended learning sa mga kabataan.

Pawang balakid sa mga guro at estudyante ang kakulangan ng kagamitan para sa makabagong paraan ng pagtuturo tulad na lamang ng internet partikular sa mga liblib na lugar.

Hinanay din ang mga guro sa mga service frontliners ng bansa na patuloy sa paglilingkod sa kabila ng mapanganib na sitwasyon ng COVID-19 pandemic.

“Nararapat kayong parangalan dahil kayo din ay mga frontliners at bayani sa panahong ito ng pandemya,” ani ng Cardinal.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na maging guro sa kapwa sapagkat ang mga bata at nakatatanda ay may matutuhan sa kani-kanilang karanasan.

“Sa pamamagitan ng ating mabuting halimbawa at pagsaksi, turuan at gabayan natin ang bawat isa sa maka-Diyos at matuwid na pamumuhay, mabuting pag-uugali at pakikipagkapwa-tao,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Tuwing October 5 ginugunita ang World Teachers’ Day kung saan ngayong taon ay nakatuon ito sa temang ‘Teachers at the heart of education recovery’ dahil na rin sa pangangailangan ng mga guro ngayong panahon ng pandemya.

Sa Pilipinas inaasahang sisimulan sa lalong madaling panahon ang pilot testing ng limited face-to-face classes sa 120 paaralan sa bansa kasunod ng pag-apuba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hakbang noong Agosto.

Dalangin ni Cardinal Advincula ang kaligtasan at kalakasan ng bawat guro na nagsasakripisyo para lingin ang kakayahan at kaalaman ng bawat bata sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,105 total reads

 86,105 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,748 total reads

 163,748 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,196 total reads

 197,196 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,494 total reads

 232,494 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,642 total reads

 455,642 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top