Visayas at Romblon Bishops, naglabas ng collegial statement laban sa casino sa Boracay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Naglabas ng collegial statement ang Western Visayan and Romblon Bishops and Diocesan Administrator laban sa binabalak na pagtatayo ng casino sa Boracay Island.

Paksa ng naturang pahayag ang “No to Gambling Casino, No to Gambling in Boracay!” na hinihimok ang pamahalaan na huwag nang ituloy ang binabalak na pagtatayo ng casino sa isla at sa halip ay pakinggan ang panawagan ng mamamayan na panatilihing malinis at ligtas para sa tao ang Boracay.

“We appreciate the efforts of our government in restoring the natural, God-given wonders of Boracay Island that make it famous here and abroad. We appeal to our public servants to hear our people’s plea to keep Boracay clean, safe, child and family-friendly island to visit and to spend precious quality time with our loved ones,” ayon sa pahayag.

Nakasaad din dito na ang pagkakaroon ng lugar-sugalan sa Boracay ay magbubunsod lamang upang malihis ang kagustuhan ng mga turista na ituon ang pansin na makita ang tunay na kagandahan ng isla at mabigyang-daan ang mapaminsalang gawain na makakaapekto sa kaugalian, kultura at buhay ng mga nasa komunidad.

“Having the gambling casinos in Boracay will not only divert and distract visitors from the true beauty and value of this most cherished island but will also pave the way for destructive lifestyles and habits that will significantly alter and destroy the treasured values, culture and life of the community,” dagdag nito.

Sa mga nakalipas na taon, may ilang pagsusuri na ang pagsusugal ay nagdudulot ng pagkalulong na maaaring makaapekto, hindi lamang sa sarili, kundi sa pamilya at kapwa.

Naitala na higit sa 80-porsyento ng mga nalululong sa sugal ay dulot din ng alak at droga na nagreresulta rin sa paggawa ng krimen o kasalanan.

Kaya naman binibigyang-diin ng simbahang katolika na hindi ito tutol sa anumang uri ng pag-unlad ngunit dapat ito ay nakatutulong sa pagpapanatili at pagpapabuti ng lahat, partikular na sa tao at kalikasan.

“As Church, we are not against development but it should be a development that is both sustainable and integral, a development that is authentically just and for the common good,” saad ng pahayag.

Ngayong Oktubre 04, 2021, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi, ang collegial statement na ito ay nilagdaan nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo; San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda; Bacolod Bishop Patricio Buzon; San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; at Kabankalan Bishop Louie Galbines.

Lumagda rin sa nasabing pahayag sina Capiz Diocesan Administrator Cyril Villareal; Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc; at Romblon Bishop Narciso Abellana.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 1,264 total reads

 1,264 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 7,598 total reads

 7,598 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 44,978 total reads

 44,978 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 76,249 total reads

 76,249 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 153,306 total reads

 153,306 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 247,162 total reads

 247,162 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,048 total reads

 73,048 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top