Gamitin ang social media sa kabutihan ng 2022 elections.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Ang internet at social media ay isang instrumento na maaring magamit sa kabutihan o kasamaan.

Ito ang paalala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mahalagang papel ng internet at social media sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. – chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Social Communications, maging ang mga Kristiyano’t Katoliko ay kinakailangan ring higit na maging maingat at matalino sa pagamit ng internet at social media lalo na ngayong panahon ng halalan.

“Muli ang Social Media ay isang instrumento na maaaring gamitin sa kabutihan o sa kasamaan. At kahit tayong mga mananampalataya ay hindi exempt dito kung tayo ay hindi mag-iingat sa paggamit nito lalo na ngayong panahon ng halalan.” Ang bahagi ng pahayag ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Maralit mahalaga rin ang fact-checking upang maiwasan na mabiktima o maging daluyan ng fake news sa iba’t ibang social media platforms.

Pagbabahagi ng Obispo, hindi dapat agad na tanggapin o ibahagi ang anumang mga impormasyon na nababasa lalo na kung hindi kilala o kaduda-duda ang pinagmumulan ng mga impormasyon.

“Para hindi kayo mabiktima ng Fake News, always make it as a rule na mag-Fact Checking. Huwag kaagarang tatanggapin ang nababasa lalo na kung ito ay mula sa mga sources na hindi kilala at kaduda-duda.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Nagbahagi naman ng limang paraan si Bishop Maralit upang magsilbing gabay ng bawat isa sa tama at naangkop na paggamit ng internet at social media lalo na ngayong panahon ng halalan.

May ilang bagay na sana ay gawin muna bago gumamit o ipost sa Social Media:
1. Ang ilalagay mo ba o ipopost ay ipinagdasal mo muna?
2. Pinag-isipan mo ba muna iyan? O nadadala ka lamang ng emosyon?
3. Kung hindi iyo ang ipopost mo, Inalam mo ba muna kung Totoo ang sinasabi nito?
4. May mabuti ba talagang makukuha ang makababasa nito?
5. Sinusunod mo ba ang utos ng Panginoon- “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili?”

Giit ng Obispo, mahalaga ang ganap na pagsusuri at pagninilay maging sa paggamit ng social media upang hindi ito maging daluyan ng kasinungalingan o mga maling impormasyon.

Matatandaang una nang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkumunikasyon.

Sa Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social nangunguna ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minute kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa kung saan malaking porsyento nito ay may social media account na ginagamit para magpost at magbahagi ng mga impormasyon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,826 total reads

 2,826 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,753 total reads

 4,753 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,139 total reads

 13,139 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,517 total reads

 50,517 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,788 total reads

 81,788 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,474 total reads

 158,474 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,083 total reads

 252,083 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,080 total reads

 24,080 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top