Mga simbahan sa Diocese of San Fernando, La Union, nagsilbing evacuation centers ng mga residenteng apektado ng Bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total reads

Lubos na apektado ng pananalasa ng Bagyong Maring ang hilagang bahagi ng La Union.

Ayon kay Fr. Gari Patiag, Social Action director ng Diocese of San Fernando, higit na apektado ng bagyo ang mga bayan ng Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Bacnotan at San Juan.

“Ang mostly hit ay northern part ng La Union ‘yung malapit na sa Ilocos Sur… Of course, as I’ve said, pati na rin ‘yung second district niya, merong ‘yung mga apektado rin, entire La Union kumbaga,” pahayag ni Fr. Patiag sa panayam ng Radio Veritas.

Dahil naman sa puno na ang ilang evacuation centers, nagbukas naman ang ilang simbahan para magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga apektadong residente.

“Meron ‘yung mga pumunta sa church na dun sila pumwesto na kasi punung-puno na ‘yung evacuation centers. At saka ‘yung mga ibang evacuation centers naman ay nabaha rin kaya tumingin na lang sila ng ibang pwedeng mapuntahan. Inopen naman ang mga churches sa mga part na ‘yun just like in Luna, Bangar, Balaoan and even San Juan,” ayon sa pari.

Sinabi rin ni Fr. Patiag na karamihan sa mga residente ang nahirapang magsilikas dahil sa pagbaha sanhi ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga ilog.

“Sabi ng karamihan, napakabilis talagang tumaas ng tubig. Everybody caught unaware. They’re not expecting yung tubig. Napakabilis talaga na tumaas… Kasi ang lawak ng radius ni [Bagyong Maring], ‘yung mga tubig galing sa bundok d’yan sa Cordillera part at Benguet syempre bababa lahat ‘yan dito,” ayon kay Fr. Patiag.

Maliban sa mga pag-uulan, posible ring sanhi ng pagbaha ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ambuklao at Binga dam sa Benguet.

Samantala, nakahanda na rin ang diyosesis sa pagsasagawa ng relief operations bilang tugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga higit na apektado ng sakuna.

Gayunman, panawagan pa rin ni Fr. Patiag ang panalangin at karagdagang tulong na sasapat para sa mga nasa evacuation centers.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa mahigit 4,528 pamilya o 19,147 indibidwal ang lubos na naapektuhan ng Bagyong Maring.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,788 total reads

 63,788 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,662 total reads

 142,662 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,107 total reads

 176,107 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,406 total reads

 211,406 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,340 total reads

 435,340 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,394 total reads

 157,394 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top