Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pasig River Expressway, tinututulan ng UAPSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total views

Mariing tinututulan ng United Architects of the Philippines Student Auxiliary (UAPSA) ang binabalak na pagtatayo ng Pasig River Expressway sa kahabaan ng Pasig river.

Ayon sa pahayag ng UAPSA, ang pagtatayo ng mga kalsada tulad ng PAREX na dinisenyo para lamang sa mga sasakyan ay maituturing na lumalabag sa karapatan ng mga mahihirap.

Naninindigan ang UAPSA na makikinabang lamang sa P95-bilyong halaga ng proyektong ito ay ang mga Filipinong mayroong katamtaman hanggang sa mataas na uri ng pamumuhay.

“Building more roads is not the answer to the existing problem of the traffic congestion in the Greater Manila Area, and will only make it worse,” bahagi ng pahayag ng UAPSA.
Samantala, panawagan naman ng grupo sa pamahalaan na ihinto at bawiin ang binabalak na proyekto, at sa halip ay mas bigyang-pansin ang kapakanan ng mga mahihirap at ng kalikasan.
Dahil dito, iminumungkahi ng UAPSA na imbes na magtayo ng mga panibagong kalsada, mas makabubuting paglaanan na lamang ng pondo ang pagtatayo ng mga bicycle at walk lanes na bukod sa makakatulong sa kalusugan ng katawan, ay mababawasan din ang malilikhang polusyon sa kalikasan.

“As an organization that advocates for sustainable and responsible design, UAPSA amplifies the demand of Filipinos to prioritize investment for transport projects that move people and not cars,” ayon sa grupo.

Taong 1990 nang maideklarang “biologically dead” ang Ilog Pasig na nagbunsod upang simulan ang Pasig River Rehabilitation Program upang muling malinis at maibalik ang sigla ng ilog.

Dahil naman sa patuloy na pagsasaayos at pagpapanatili sa Ilog Pasig, nagawaran ito ng Asia River Prize noong 2018.

Inihayag naman ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si na tungkulin ng pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap nitong mamamayan na lubos na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 6,125 total views

 6,125 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 73,613 total views

 73,613 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 94,678 total views

 94,678 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 117,516 total views

 117,516 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 154,704 total views

 154,704 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top