Nagaganap na kalamidad sa Pilipinas, wake-up call sa mamamayan na pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Umaasa ang mission ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magising ang mamamayan sa katotohanang kailangang ayusin ang pakikitungo sa kalikasan.

Ito ang mensahe ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng kumisyon kaugnay sa epekto ng mga natural na kalamidad sa mamamayan at lipunan.

Paliwanag ng obispo na bilang binyagang kristiyano misyon ng bawat isa na itaguyod ang maayos na kalikasan at magkaisang labanan ang mga gawaing nakasisira ng kapaligiran.

“Ito po ay wake-up call [kalamidad] na lumayon sana sa kagyat ng pagkilos ng lahat; ito po ay moral na tungkulin at sagutin natin sa tao at sa harap ng Diyos,” ayon sa pahayag ni Bishop Mesiona.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 13 katao ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa at pagkalunod sa pananalasa ng bagyong Maring sa malaking bahagi ng Northern Luzon at ilang lugar sa Eastern Visayas.
Libu-libong katao naman ang lumikas sa mas ligtas na lugar upang makaiwas sa sakuna na dulot ng mga pagbaha dahil sa bagyo habang mahigit sa kalahating bilyong piso ang napinsala sa sektor ng agrikultura na ikinalugi ng mga magsasaka at mangingisda.

Dahil dito umapela si Bishop Mesiona sa mga namumuno ng bayan na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan sapagkat ang mamamayan lalo na ang mga mahihirap sa lipunan ang labis na apektado sa pananalasa ng mga kalamidad dala ng kalikasan.

“Nananawagan tayo sa mga kinauukulan na suriin ang mga patakaran at mga proyekto kaugnay sa pagbabago ng klima (climate change). Baguhin agad ang anumang nakapipinsala sa ating kapaligiran at sambayanan,” ani ng obispo.

Una nang hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lider ng mga bansang dadalo sa COP26 Climate Change Conference sa Glasgow Scotland na kinakailangan ang tunay na ‘ecological conversion’ upang matugunan ang lumalalang climate change sa mundo.

Sa ensiklikal ng Santo Papa na Laudato Si hinimok nito ang bawat mananampalataya na maging mabuting katiwala sa kaloob na kalikasan at pagyabungin ang likas na yamang makatutulong sa pamayanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,578 total reads

 58,578 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,722 total reads

 137,722 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,167 total reads

 171,167 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,465 total reads

 206,465 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,614 total reads

 430,614 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top