Pasig River Expressway, tinututulan ng UAPSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 728 total reads

Mariing tinututulan ng United Architects of the Philippines Student Auxiliary (UAPSA) ang binabalak na pagtatayo ng Pasig River Expressway sa kahabaan ng Pasig river.

Ayon sa pahayag ng UAPSA, ang pagtatayo ng mga kalsada tulad ng PAREX na dinisenyo para lamang sa mga sasakyan ay maituturing na lumalabag sa karapatan ng mga mahihirap.

Naninindigan ang UAPSA na makikinabang lamang sa P95-bilyong halaga ng proyektong ito ay ang mga Filipinong mayroong katamtaman hanggang sa mataas na uri ng pamumuhay.

“Building more roads is not the answer to the existing problem of the traffic congestion in the Greater Manila Area, and will only make it worse,” bahagi ng pahayag ng UAPSA.
Samantala, panawagan naman ng grupo sa pamahalaan na ihinto at bawiin ang binabalak na proyekto, at sa halip ay mas bigyang-pansin ang kapakanan ng mga mahihirap at ng kalikasan.
Dahil dito, iminumungkahi ng UAPSA na imbes na magtayo ng mga panibagong kalsada, mas makabubuting paglaanan na lamang ng pondo ang pagtatayo ng mga bicycle at walk lanes na bukod sa makakatulong sa kalusugan ng katawan, ay mababawasan din ang malilikhang polusyon sa kalikasan.

“As an organization that advocates for sustainable and responsible design, UAPSA amplifies the demand of Filipinos to prioritize investment for transport projects that move people and not cars,” ayon sa grupo.

Taong 1990 nang maideklarang “biologically dead” ang Ilog Pasig na nagbunsod upang simulan ang Pasig River Rehabilitation Program upang muling malinis at maibalik ang sigla ng ilog.

Dahil naman sa patuloy na pagsasaayos at pagpapanatili sa Ilog Pasig, nagawaran ito ng Asia River Prize noong 2018.

Inihayag naman ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si na tungkulin ng pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap nitong mamamayan na lubos na naaapektuhan ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,231 total reads

 58,231 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,400 total reads

 137,400 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,845 total reads

 170,845 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,143 total reads

 206,143 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,311 total reads

 430,311 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,234 total reads

 157,234 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top