Nagaganap na kalamidad sa Pilipinas, wake-up call sa mamamayan na pangalagaan ang kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Umaasa ang mission ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magising ang mamamayan sa katotohanang kailangang ayusin ang pakikitungo sa kalikasan.

Ito ang mensahe ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng kumisyon kaugnay sa epekto ng mga natural na kalamidad sa mamamayan at lipunan.

Paliwanag ng obispo na bilang binyagang kristiyano misyon ng bawat isa na itaguyod ang maayos na kalikasan at magkaisang labanan ang mga gawaing nakasisira ng kapaligiran.

“Ito po ay wake-up call [kalamidad] na lumayon sana sa kagyat ng pagkilos ng lahat; ito po ay moral na tungkulin at sagutin natin sa tao at sa harap ng Diyos,” ayon sa pahayag ni Bishop Mesiona.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 13 katao ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa at pagkalunod sa pananalasa ng bagyong Maring sa malaking bahagi ng Northern Luzon at ilang lugar sa Eastern Visayas.
Libu-libong katao naman ang lumikas sa mas ligtas na lugar upang makaiwas sa sakuna na dulot ng mga pagbaha dahil sa bagyo habang mahigit sa kalahating bilyong piso ang napinsala sa sektor ng agrikultura na ikinalugi ng mga magsasaka at mangingisda.

Dahil dito umapela si Bishop Mesiona sa mga namumuno ng bayan na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan sapagkat ang mamamayan lalo na ang mga mahihirap sa lipunan ang labis na apektado sa pananalasa ng mga kalamidad dala ng kalikasan.

“Nananawagan tayo sa mga kinauukulan na suriin ang mga patakaran at mga proyekto kaugnay sa pagbabago ng klima (climate change). Baguhin agad ang anumang nakapipinsala sa ating kapaligiran at sambayanan,” ani ng obispo.

Una nang hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lider ng mga bansang dadalo sa COP26 Climate Change Conference sa Glasgow Scotland na kinakailangan ang tunay na ‘ecological conversion’ upang matugunan ang lumalalang climate change sa mundo.

Sa ensiklikal ng Santo Papa na Laudato Si hinimok nito ang bawat mananampalataya na maging mabuting katiwala sa kaloob na kalikasan at pagyabungin ang likas na yamang makatutulong sa pamayanan

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,250 total reads

 2,250 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,212 total reads

 4,212 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,280 total reads

 12,280 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,658 total reads

 49,658 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,929 total reads

 80,929 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,694 total reads

 157,694 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,343 total reads

 251,343 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,251 total reads

 2,251 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top