20-percent seating capacity sa religious gathering sa Baguio city, mananatili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Mananatili pa rin sa 20-percent seating capacity ang religious gatherings sa Diyosesis ng Baguio kahit na binuksan na muli para sa mga fully vaccinated na turista ang lungsod.

Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, maliban sa pahintulot na muling makapasok ang mga turista sa lungsod ay wala namang ipinalabas na panibagong panuntunan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa kapasidad ng mga maaaring dumalo sa iba’t ibang gawain sa loob ng mga simbahan partikular na sa Our Lady of the Atonement Cathedral o Baguio Cathedral na dinarayo rin ng mga turista.

“Basically wala naman kaming pinalabas na bagong policy. The same pa rin kasi si [Mayor Magalong], as of now ay hindi naman niya binago ‘yung seating capacity,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, maliban sa Baguio City, nanatili naman sa 30-percent seating capacity ang pagsasagawa ng mga religious activities sa lalawigan ng Benguet.

Bagamat, inaasahan ang pagdagsa ng mga turista sa Baguio City, patuloy namang ipinapaalala at sinusunod ng Diyosesis ang minimum health protocols bilang pag-iwas sa COVID-19 transmission.

“Nire-remind namin palagi sa announcement sa mga misa ‘yung wearing of face masks, face shields at saka ‘yung proper hygiene,” saad ni Bishop Bendico.

Batay sa anunsyo ni Mayor Magalong, bago tuluyang makapasok sa lungsod ay kinakailangan pa rin ng mga turista–matanda man o bata–na magpakita ng negative COVID-19 test result at sundin ang routine entry protocols sa pamamagitan ng pagre-register sa Visitor Information and Travel Assistance application o Visita.

Ayon naman sa huling tala ng Baguio City COVID-19 Monitoring, 44 lamang ang bilang ng panibagong kaso sa lungsod, kaya sa kasalukuyan ay nasa 743 na ang bilang ng aktibong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,126 total reads

 66,126 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 144,905 total reads

 144,905 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,352 total reads

 178,352 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 213,649 total reads

 213,649 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,456 total reads

 437,456 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,466 total reads

 157,466 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top