Cardinal Advincula, nanawagan sa mamamayan na magbuklod sa pananalangin ngayong Undas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total views

Hinimok ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na magbuklod bilang pamilya at sama-samang ipanalangin ang mga namayapang mahal sa buhay.

Ito ang mensahe ng arsobispo kasunod ng pagpapasara ng mga sementeryo sa bansa sa All Saints at All Souls Day bilang hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang muling pagdami ng mga mahawaan ng coronavirus.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na makabuluhan ang pagbubuklod ng pamilya sa panalangin tanda ng pagmamahal sa mga yumaong kaanak.

“Maaari tayong magsama-sama bilang pamilya; hindi man natin sila madalaw sa sementeryo, alam natin na ang mga panalangin na iaaalay natin para sa kanila ay tanda ng ating pagmamahal at pag-alaala sa kanila,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, nagpalabas ng kopya ng panalangin ang Liturgical Commission ng arkidiyosesis para gamitin ng bawat pamilya sa paghandog ng mga panalangin sa mga yumao.

Maaring makuha ng mamamayan ang kopya ng panalangin sa Facebook pages ng mga simbahan ng arkidiyosesis upang mas mabigyang pagkakataon ang bawat isa na alalahanin sa mga tahanan ang mga pumanaw na kaanak sa halip na dumalaw sa puntod.
Hinikayat din ng Cardinal ang mananampalataya na dumalo sa banal na misa at ialay sa panalangin ang mga yumao lalo na sa November 1 at 2 kung saan nagtalaga ng misa ang mga simbahan para sa natatanging intensyon.

“Bagama’t sarado ang mga sementeryo, maaari pa din nating gunitain ang ating mga minamahal na yumao sa pamamagitan ng pag-aalay ng dasal at Misa para sa kanila. Maaari tayong magsimba sa November 1 at 2 at ialay ito para sa mga kapatid nating yumao,” ani Cardinal Advincula.

Matatandaang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force ang pagsasara ng mga sementeryo sa bansa mula October 29 hanggang November 2 upang maiwasan ang pagdagsa ng mamamayan at maging ligtas sa pagkalat ng COVID-19.

Samantala, naglunsad naman ang Radyo Veritas ng ‘PANALANGIN, PAG-ALALA, at PAGKILALA‘ sa yumaong mahal sa buhay kung saan maaaring makipag-uganayan sa himpilan ang nais mag-alay ng panalangin sa mga yumao at E-Mass Card.

Tumawag lamang sa 8925-7931 hanggang 39 local 129 o sa 0917-631-4589 at makipag-ugnayan kay Renee Jose ang tagapangasiwa ng Religious Department ng himpilan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 73,612 total views

 73,612 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 103,835 total views

 103,835 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 130,485 total views

 130,485 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 225,458 total views

 225,458 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 241,692 total views

 241,692 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top