Mahihirap, sentro ng mabuting balita ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total reads

Ipinapaalala ng paggunita ng ‘World Day of the Poor’ na ang mga pinakamahihirap at nasa laylayan ng lipunan ang sentro ng mabuting balita ng Panginoon.

Ito ang mensahe ni Radyo Veritas President at Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa ika-limang taon ng World day of the Poor sa November 14 2021.

“Ang tanging hamon ng ‘World Day of the Poor’ ay ipaalala sa atin na ang mahihirap ang sentro ng mabuting balita ng Panginoong Hesukristo nang siya’y nagkatawang tao at yumakap sa karukhaan natin, kasalanan, kasalatan, kamangmangan natin, [at] kawalan. Kaya’t bilang Simbahan ito din ang ating hamon,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas

Ayon sa Pari, anuman ang magiging hakbang at desisyon ng lipunan ay nararapat na unahin ang pagsasapuso kay Hesus.

“‘Yung patuloy nating preferencial option for the poor, pagpapahalaga sa mahihirap sa lahat ng ating ginagawa ang palaging tanong natin sa lahat ng ating ginagawa produkto man ito o serbisyo, anong impact nito? Anong epekto nito sa mga mahihirap? Sabi nga sa Mateo 25, anuman ang gawin mo sa pinakamaliliit ay ginawa mo kay Kristo,” pagbibigay diin ni Fr.Pascual.

Samantala, inihayag ng Pari na magbibigay ng tulong ang Caritas Manila sa mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan sa pamamagitan ng pamamamahagi ng pangpuhunan, pagkain, at mga gift certificate.

Ibinahagi naman ni Fr. Pascual ang pagdaraos ng banal na misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral sa ika-15 ng Nobyembre sa pangunguna ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama ang iba pang church ministry na tumutulong din sa mga mahihirap.

“Oo napakarami nating programa, mayroon tayong misa sa November 15, 2021 ng umaga sa Manila Cathedral kasama natin si Cardinal Jo Advincula, kasama natin ang iba pang mga ministry na tumutulong directly sa mga mahihirap at ang Caritas Manila ay magbibigay ng pagkain sa mahihirap, puhunan, at itong gift certificate. Tayo’y mamumudmod sa mga poorest of the poor,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Magugunitang noong Hunyo ay una ng inanusyo ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang temang “The poor will always have with you” para sa ika-limang taong paggunita sa World Day of the Poor.

Ayon sa Holy See, sa paggunita ng World Day of the Poor sa ika-14 ng Nobyembre ay nakatakdang muling mag-misa ang Santo Papa Francisco sa St. Peter’s Basilica.

Ang taunang kaganapan ay sinimulan ni Pope Francis noong 2016 upang iparating sa buong mundo ang kahalagahan ng patuloy pagtulong at sa mga labis na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,484 total reads

 63,484 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,373 total reads

 142,373 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,818 total reads

 175,818 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,117 total reads

 211,117 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,070 total reads

 435,070 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top