Diocese of Legazpi, inalala ang anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total reads

Inalala ng Diyosesis ng Legazpi ang unang anibersaryo ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa Bicol Region na magpahanggang-ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ng mga naging biktima.

Idinadalangin ni Legazpi Bishop Joel Baylon na nawa’y patuloy na patnubayan at kalingain ng Panginoon ang mga higit na naapektuhan ng bagyo upang tuluyang makamtan ang kapayapaan sa mga puso’t isipan sa kabila ng pangungulila sa mga nasawi.

“We continue to seek the Lord’s comfort and guidance. We ask Him to bring solace to those who lost property and kin, and pray for the repose of the souls of those who perished,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Samantala, hinihiling din ng Obispo ang paggabay habang patuloy na sinisikap ang tulung-tulong na pagbuo sa mga napinsalang tahanan at iba pang ari-arian, partikular na sa simbahan ng Saint John the Baptist Parish sa Tabaco City, Albay.

Ayon kay Bishop Baylon, sarado pa rin ang nasabing simbahan na patuloy pa ring kinukumpuni,

“We also seek guidance as we continue with the hard task of rebuilding our homes and properties. The church of St. John the Baptist in Tabaco City, for one, is still not open to the public because it is still undergoing repair and rehabilitation,” saad ni Bishop Baylon.

Nobyembre 1, 2020 nang itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 5 ang lakas ng Bagyong Rolly bago ito tuluyang mag-landfall sa Bicol Region.

Batay naman sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa mahigit-500,000 pamilya o 2-milyong indibidwal ang lubos na naapektuhan ng Bagyong Rolly habang nasa humigit-kumulang 20 naman ang naitalang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 19,633 total reads

 19,633 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 50,906 total reads

 50,906 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 129,671 total reads

 129,671 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 223,897 total reads

 223,897 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 283,788 total reads

 283,788 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,822 total reads

 71,822 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top