Pagtapyas sa pondo ng NTF-ELCAC, suportado ng PEPP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) sa desisyon ng Senate Committee on Finance na bawasan ang 2022 budget ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mula sa 28 bilyong piso ay itinakda sa 4-na bilyong piso ang budget ng NTF-ELCAC upang mailaan sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa opisyal na pahayag ng PEPP na pinangungunahan nina co-chairperson Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, SJ at Rt. Rev. Rex Reyes, Jr. na tama ang desisyon ng mga mambabatas na ilaan sa pagtugon sa krisis na dulot ng pandemya ang pondo ng NTF-ELCAC.

Ipinaliwanag ng grupo na bagamat nabawasan ay sapat pa rin ang pondong ito ng ahensya na mas nakilala sa pagpapalaganap ng kultura ng galit, karahasan at red-tagging sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa halip na sa pagsusulong ng pakikipagdalogo para sa pagkamit ng ganap na kapayapaan.

“The Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) welcomes the decision of the Senate committee on finance to cut the 2022 budget of the National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) from P28 billion to P 4 billion and reallocating the excess funds for COVID-19 response,” pahayag ng PEPP.

Ayon sa PEPP, isang kabalintunaan ang pangalan ng ahensya sapagkat sa halip na kapayapaan at ganap na pagwaksi sa armed conflicts ay nagsusulong ito ng red-tagging.

“The NTF-ELCAC has also become notorious for its rampant red-tagging. It is responsible for vilifying even church organizations, church leaders, and members,” dagdag pa ng PEPP.

Iginiit ng grupo na mapayapang pakikipag-ugnayan at pakikipagdayalogo sa mga armadong grupo ang unang hakbang para sa pagkamit ng matagal ng hinahangad na kapayapaan sa bansa.

Binigyan-diin ng PEPP na ang principled peace negotiations na susi para mawakasan ang local armed conflicts ay hindi nangangailangan ng bilyon-bilyong pondo.

“For us, the church leaders, the most viable option for a just and lasting peace is to forge a negotiated peace settlement coupled with meaningful social and economic reforms,” paliwanag ng PEPP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 32,416 total reads

 32,416 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 65,750 total reads

 65,750 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 97,895 total reads

 97,895 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 163,952 total reads

 163,952 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 181,115 total reads

 181,115 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top