CEAP, nanawagan sa Catholic school officials na pag-aralan ang mga hakbang sa face to face classes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa katolikong paaralan na pag-aralan ang mga hakbang sa pagbabalik ng face to face classes.

Ayon kay CEAP NCR Regional Trustee Fr. Nolan Que, mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang kaugnay sa hakbang bilang pagsaalang-alang sa kalusugan ng kabataan.

We call on the heads of Catholic schools to begin planning this transition as soon as possible. Please begin the process of securing the consent of parents who wish to avail this when the limited face-to-face sessions are available in your areas,” pahayag ng pari sa Radio Veritas.

Ginawa ni Fr. Que ang panawagan sa pagsisimula noong November 15 2021 sa pilot at limited face-to-face classes sa may 100 mga pampubliko at 20 pampribadong paaralan sa mga lugar na maituturing na low-risk areas mula sa banta ng COVID-19.

Umaapela din si Fr. Que sa mga lokal na pamahalaan ng pakikiisa upang matiyak na masusunod at ipapatupad ang mga health protocols na magbibigay ng proteksyon sa mga mag-aaral at sa lahat ng kawani ng mga paaralan.

“To allay the fears of parents and other stakeholders, we ask the help of our local government units in monitoring the implementation of the health protocols in the areas around the schools with limited face-to-face sessions.” apela ng pa

Batid din ni Fr. Que na napapanahon na ang panunumbalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan at face-to-face learning na suportado ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

“UNICEF supports this stance in their 17 December 2020 statement, ‘Distance learning must be understood as complementary to, and not a replacement for, face-to-face learning. This is especially true for learners who have no access to the internet or technology and whose parents and caregivers are unable to provide active home-based support.”pahayag ni Fr. Que

Naiintindihan din ng pari ang mga magulang na nais at kaya paring panatiliin ang blended at online learning ng kanilang mga anak dahil na rin sa banta ng pandemya.

“We call on our instructional leaders to ensure that provisions for the blended learning approach are in place to accommodate families who prefer online distance learning,” ani Fr. Que.

Panalangin din ng pari ang patuloy na paggabay ng Mahal na Birheng Maria upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa mga pagsubok at suliranin na maaring idulot ng mga bagong pamamaraan ng pag-aaral bunsod ng pandemya

“We continue to pray for the guidance of the Holy Spirit and the Blessed Virgin Mary, Seat of Wisdom, that we will overcome this transition, this daunting challenge, to withstand the pandemic. May we emerge renewed and revitalized in Sapientia Aetate et Gratia (Luke 2:52) as we pray for one another!” ayon sa panalangin ng pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 19,975 total reads

 19,975 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 56,476 total reads

 56,476 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 277,097 total reads

 277,097 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 311,765 total reads

 311,765 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 326,454 total reads

 326,454 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top