Huwag makampante sa bumababang kaso ng COVID-19, paalala ni Bishop Buenaventura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 378 total views

Pinaalalahanan ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang publiko na huwag makampante sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Bishop Famadico na nararapat lamang na ipagpasalamat sa Diyos na unti-unti nang bumabalik sa dati ang sitwasyon ng lipunan ngayong kaunti na lamang ang bilang ng mga nahahawaan ng virus.

Ngunit babala ng Obispo na kaakibat pa rin nito ang tungkulin ng bawat isa na huwag na muling hayaang lumala ang sitwasyon at huwag ring hintaying makaapekto pa ulit ito sa buhay ng tao.

“Tayo ay magpasalamat sa Diyos at bumababa na ang kaso ng COVID-19. Ngunit, huwag nating hayaan na tumaas ulit ang mga bilang ng kaso nito at maapektuhan ang buhay ng bawat isa,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Famadico na dapat pa ring panatilihin ang pag-iingat at patuloy na sundin ang pagsusuot ng face mask at social distancing upang patuloy na maging ligtas sa banta ng COVID-19.

“Panatilihin pa rin natin ang pagsunod sa minimum health protocols,” dagdag ng Obispo.

Batay sa huling tala ng Department of Health, aabot sa 2,227 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na nagresulta naman sa 21,101 aktibong kaso.

Umabot naman sa 3,152 ang panibagong bilang ng mga gumaling habang nasa 175 naman ang mga nasawi.

Samantala, ayon naman sa National Task Force Against COVID-19, nasa higit 73-milyon na ang bilang ng mga nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Sa nasabing bilang, nasa halos 33-milyon na ang kumpleto na sa bakuna laban sa virus habang nasa 40-milyon naman ang nakatanggap pa lamang ng unang dose at 6,000-health workers naman ang nakatanggap ng additional dose mula sa single-dose na Johnson & Johnson vaccine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 73,030 total views

 73,030 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 103,253 total views

 103,253 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 129,903 total views

 129,903 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 224,876 total views

 224,876 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 241,142 total views

 241,142 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top