Mamamayan, hinimok na makiisa sa “Bayanihan Bakunahan” program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total reads

Hinimok ng Health Care Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mamamayan na makiisa sa isasagawang National Vaccination Days upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay ang Bayanihan Bakunahan program ng pamahalaan na isasagawa mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Sa inilabas na pahayag ni CBCP-ECHC Chairman at Naval Bishop Rex Ramirez, binigyang-diin nito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinihikayat ang bawat isa na magpabakuna laban sa COVID-19, sapagkat ito ang magbibigay ng pag-asa upang malunasan ang pandemya at bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

“Indeed, the Holy Father himself has affirmed that receiving a COVID-19 vaccine that is ‘authorized by the respective authorities’ is an ‘act of love’,” pahayag ni Bishop Ramirez.

Sinabi ng obispo na maaaring makatulong ang bawat isa upang maging matagumpay ang pambansang araw ng pagbabakuna sa pamamagitan ng pagsusulong at paghikayat sa mga komunidad na magpabakuna laban sa virus.

Gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapagamit ng mga pasilidad ng simbahan para maging vaccination area, at ang paghimok sa mga church workers na mag-volunteer sa mga gawaing may kaugnayan sa pagbabakuna.

Samantala, iginiit din sa pahayag na patuloy namang kikilalanin at igagalang ng simbahan ang malayang pagpili ng sinuman sa pagnanais nitong magpabakuna o hindi batay sa kanyang konsensya.
Ngunit, kung pinili ng isang indibidwal na hindi magpabakuna, tungkulin naman nitong patuloy na pangalagaan ang sarili, maging ang kapwa upang maiwasan ang hawaan ng virus.

“This is everyone’s moral responsibility,” ayon sa pahayag.

Layunin ng Bayanihan Bakunahan na mabakunahan ang nasa 15-milyong Filipino mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, aabot na sa halos 34 na milyong Filipino ang kumpleto na sa bakuna laban sa nakakahawa at nakamamatay na COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,546 total reads

 63,546 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 112,193 total reads

 112,193 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 160,066 total reads

 160,066 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 264,011 total reads

 264,011 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 347,053 total reads

 347,053 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,919 total reads

 166,919 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top