Mini library, binuksan sa Baseco compound

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 902 total reads

Isang munting aklatan ang ibinahagi ng ilang Japanese nationals sa Caritas Manila para makatulong sa pag-aaral ng mga kabataan na naninirahan sa Baseco Compound, Tondo Manila.

Labis ang pasasalamat ng mga guro at kabataan na nagsisilbing volunteer sa mini library na malaking tulong sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga bata.

Ayon kay Teacher RJ, isa sa mga volunteer teacher sa library na ang proyektong ito ay magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan ng Baseco na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa pagkakaroon ng kaalaman at edukasyon.

“Isang malaking biyaya po ito sa komunidad ng Baseco lalo na sa mga kabataan. Ito po ay magiging simbolo sa pagbubukas nila ng kanilang mga pangarap sa kanilang hinaharap na buhay. Maraming salamat at nakaisakatuparan po ito sa tulong ng ating mga donors at ng Caritas Manila.”

Ika-27 ng Nobyembre taong kasalukuyan nang pormal na pasinayaan ang mini library sa tulong ng ilang mga Japanese nationals na napili ang Caritas Manila at Sto Niño de Baseco Parish bilang tagapangasiwa ng nasabing aklatan na tatawaging ‘Kinabukasan Library’.

Naniniwala naman si Bonna Bello, isa sa mga coordinators ng Caritas Manila sa Baseco Compound, na makakatulong ang library para makagabayan ng mga magulang ang mga bata na naapektuhan ang kakayanan na makapag-aral dahil sa pandemya.

Samantala, nagpapasalamat naman ang Caritas Manila sa grupo ng Japanese nationals na siyang tumustos sa pagtatayo ng munting silid aklatan.

“We are very thankful to our Japanese benefactors for choosing Caritas Manila as their partner beneficiary for this project. We really believe that this mini library will help a lot of children in Baseco community to fulfill their dreams and have a better future for their families,” mensahe ni Gilda Garcia, Program Manager ng Caritas Manila – Caritas Damayan Unit.

Magugunitang ang Baseco compound ang isa mga pinakamahihirap na lugar sa lungsod ng Maynila at may populasyon na aabot sa 60 libong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 129,476 total reads

 129,476 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 172,682 total reads

 172,682 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 222,438 total reads

 222,438 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 381,634 total reads

 381,634 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,843 total reads

 402,843 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 116,262 total reads

 116,262 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top