Si Hesus ang pinaghahandaan sa Adbiyento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Inihayag ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na ang adbiyento ay panahon ng paghahanda sa pagdating ng Manunubos.

Ipinaliwanag ng obispo na hindi pasko ang pinaghahandaan sa adbiyento kundi si Hesus ang anak ng Diyos na nagkatawang tao para tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan.

Kasabay nito ang panawagan ni Bishop Pabillo sa mamamayan na magbago tungo sa kabutihan sapagkat ang pagdating ni Hesus ay upang bigyang katwiran at katarungan ang mamamayan.

“Ang adbiento ay hindi lang panahon na pag-aabang sa pasko. Ito ay panahon ng pag-aabang sa muling pagdating ni Jesus; Darating siya muli sa anyo ng isang hari at hukom na dakila at matagumpay. Itutuwid niya ang lahat – paparusahan ang masasama at gagantimpalaan ang mabubuti,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Batid ng obispo ang iba’t ibang uri ng suliranin na kinakaharap ng bansa na nagsasadlak sa kasalanan, kawalang katarungan at hindi pagkakapantay pantay sa lipunan.

Tinuran ni Bishop Pabillo ang malalaking katiwalian tulad ng kinasangkutan ng Pharmally scandal at Malampaya deals, ang pambibintang sa mga tumututol sa pamahalaan, red-tagging at ang extra-judicial killings.
Dahil dito hinikayat ni Bishop Pabillo ang mananampalataya na patuloy manindigang tumahak sa landas ng katarungan alinsunod sa mga tuntunin ng Panginoon.

“Kung ang inaantay natin ay ang Panginoon ng Katarungan, lumalakad na tayo ngayon sa landas ng katarungan. Kaya ang mga liko-likong daan ay ituwid na, i-expose na ang mga kasinungalingan at pandaraya,” giit ni Bishop Pabillo.

November 28 nang pormal na buksan ng simbahan ang bagong liturhikong taon sa unang linggo ng adbiyento bago ang kapanganakan ni Hesus.

Hinikayat ng punong pastol ng Taytay Palawan ang bawat mananampalataya na buong pusong tanggapin at buong kagalakang hintayin ang pagdating ng Manunubos na maghahatid ng pag-asa sa sanlibutan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 129,478 total reads

 129,478 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 172,684 total reads

 172,684 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 222,440 total reads

 222,440 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 381,636 total reads

 381,636 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,845 total reads

 402,845 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top