Labanan ang kasinungalingan, hamon ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total views

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na manindigan sa katotohanang hatid ng Panginoong Hesus.

Ito ang pagninilay ng kinatawan ni Pope Francis sa pagdeklarang Minor Basilica ng La Inmaculada Concepcion Parish sa Sta. Maria Bulacan.

Ayon kay Archbishop Brown, ang Mahal na Birheng Maria ang ina ng katotohanan kaya’t mahalagang pagyamanin ang pakikipag-ugnayan sa kanyang anak na si Hesus upang mapaglabanan ang kasinungalingang ipinalalaganap sa lipunan.

“Mary is the Mother of truth; let us be children of the truth, let us be disciples of Jesus, let us follow his way of truth and life through Mary and together with Mary,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng nuncio na ang paggawad bilang minor basilica ng simbahan ay tanda ng pagiging kaisa ng parokya sa Roma at sa Santo Papa.

Sa panayam ng Veritas Patrol kay Archbishop Brown, ibinahagi nitong biyaya ng pananampalataya ang Minor Basilica and Parish of La Purisima Concepcion lalo’t ipinagdiriwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo kung saan isa sa simbolo ng paglago ang mga simbahan sa bansa.

“It is a gift of faith to the Filipinos, the beauty of the church; it is also a spiritual gift from the Holy Father to the Diocese of Malolos,” ani Archbishop Brown.

Sinabi naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isang hamon ng pagmimisyon ang pagkakatalagang basilica ng simbahan upang higit na lumagap ang pananampalatayang nakaugat kay Kristo.

“We are challenge to be missionaries wherever we find ourselves in,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng cardinal na napapanahon ang pagdeklara ng basilica sa pagsisimula ng simbahan sa pangunguna ni Pope Francis ng ‘synodal journey’ sa temang ‘“For a Synodal Church: Communion, Participation, and Mission’.

Itinuring naman ni Basilica Rector Msgr. Alberto Suatengco na isang himala ng Mahal na Birhen ang pagdeklarang basilica makalipas ang 230 taon ng simbahan.

Itinatag ng mga Franciscanong misyonero ang simbahan ng La Inmaculada Concepcion noong 1792.

Ito rin ang ikalawang simbahan ng diyosesis na itinalang minor basilica kasunod ng Malolos Cathedral.

Sa kasalukuyan may 19 na simbahan sa Pilipinas ang itinalaga ng Vatican bilang minor basilica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sino ang papasan ng system-loss?

 22,429 total views

 22,429 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 174,484 total views

 174,484 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 199,393 total views

 199,393 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 238,689 total views

 238,689 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 264,379 total views

 264,379 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top