Pasig Diocesan School System, nakahanda na sa face to face classes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,241 total views

Bakunado na laban sa COVID-19 ang karamihan sa mga estudyante sa ilalim ng Pasig Diocesan Schools System (PaDSS).

Ito ang ibinahagi ni PaDSS Superintendent, Father Daniel Estacio kaugnay sa paghahanda ng mga catholic schools sa Diyosesis ng Pasig para sa limited face-to-face classes.

Katuwang ng diyosesis ang mga lokal na pamahalaan ng Pasig City, Taguig City at Pateros sa pamamahagi ng bakuna para sa mga mag-aaral na nasa edad 12 taong gulang at pataas.

“‘Yung sa programa ng mga LGU, syempre ‘yung preparation for the face to face classes na mabakunahan ‘yung mga bata na [nasa age] 12 and above. So, nagsimula na po ito at karamihan na po ng mga estudyante sa Diocese ng Pasig ay nabakunahan na,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ng pari na katuwang din ng diyosesis ang Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA) upang mas mapadali at maging maayos ang proseso ng pamamahagi ng bakuna para sa mga estudyante.

“Nagsubmit kami ng mga pangalan ng list kasi ‘yung PAPRISA, nakipag-coordinate po sa LGU Pasig and then nagsubmit kami ng mga names thru google form per school. And then ang ginawa nila ay kino-contact nila ‘yung mga estudyante para sa schedule nila ng vaccination sa iba’t ibang mga vaccination areas dito sa Pasig,” saad ng pari.

Nagpapasalamat naman si Fr. Estacio sa mga lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na pagtugon at pakikipagtulungan upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga kabataan laban sa virus.

Kaugnay nito, nauna nang inanunsyo ng Pasig City LGU na balak nitong bakunahan ang nasa 59,000 estudyante na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ngayong buwan.

Samantala, isasagawa naman hanggang unang araw ng Disyembre ang Bayanihan Bakunahan – National Vaccination Days ng pamahalaan na nilalayong bakunahan ang nasa 9 na milyong Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 24,431 total views

 24,431 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 46,436 total views

 46,436 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 70,778 total views

 70,778 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 94,519 total views

 94,519 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 128,465 total views

 128,465 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top