Mini library, binuksan sa Baseco compound

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total views

Isang munting aklatan ang ibinahagi ng ilang Japanese nationals sa Caritas Manila para makatulong sa pag-aaral ng mga kabataan na naninirahan sa Baseco Compound, Tondo Manila.

Labis ang pasasalamat ng mga guro at kabataan na nagsisilbing volunteer sa mini library na malaking tulong sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga bata.

Ayon kay Teacher RJ, isa sa mga volunteer teacher sa library na ang proyektong ito ay magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan ng Baseco na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa pagkakaroon ng kaalaman at edukasyon.

“Isang malaking biyaya po ito sa komunidad ng Baseco lalo na sa mga kabataan. Ito po ay magiging simbolo sa pagbubukas nila ng kanilang mga pangarap sa kanilang hinaharap na buhay. Maraming salamat at nakaisakatuparan po ito sa tulong ng ating mga donors at ng Caritas Manila.”

Ika-27 ng Nobyembre taong kasalukuyan nang pormal na pasinayaan ang mini library sa tulong ng ilang mga Japanese nationals na napili ang Caritas Manila at Sto Niño de Baseco Parish bilang tagapangasiwa ng nasabing aklatan na tatawaging ‘Kinabukasan Library’.

Naniniwala naman si Bonna Bello, isa sa mga coordinators ng Caritas Manila sa Baseco Compound, na makakatulong ang library para makagabayan ng mga magulang ang mga bata na naapektuhan ang kakayanan na makapag-aral dahil sa pandemya.

Samantala, nagpapasalamat naman ang Caritas Manila sa grupo ng Japanese nationals na siyang tumustos sa pagtatayo ng munting silid aklatan.

“We are very thankful to our Japanese benefactors for choosing Caritas Manila as their partner beneficiary for this project. We really believe that this mini library will help a lot of children in Baseco community to fulfill their dreams and have a better future for their families,” mensahe ni Gilda Garcia, Program Manager ng Caritas Manila – Caritas Damayan Unit.

Magugunitang ang Baseco compound ang isa mga pinakamahihirap na lugar sa lungsod ng Maynila at may populasyon na aabot sa 60 libong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 24,432 total views

 24,432 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 46,437 total views

 46,437 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 70,779 total views

 70,779 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 94,520 total views

 94,520 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 128,466 total views

 128,466 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 75,178 total views

 75,178 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top