Kaligtasan ng mamamayan, ipinagdarasal ni Bishop Santos sa phreatic eruption ng bulkang Pinatubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 592 total reads

Ipinapanalangin ni Iba, Zambales Bishop Bartolome Santos ang kaligtasan ng lahat kaugnay sa phreatic eruption ng Bulkang Pinatubo.

Ayon kay Bishop Santos, bagamat nasa Zambales ang lokasyon ng Mount Pinatubo, mas ramdam ang usok mula sa mahinang pagsabog nito sa bahagi ng Pampanga.

“Siguro on our side, yung side ng Zambales kasi napakalaki naman ng Pinatubo para malaman ang effect nito…hindi nila binanggit ang Zambales kasi sobrang laki nun. Kumbaga ‘yung crater, magkabilang-dulo e malayo naman ‘yung side ng Zambales,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na mayroong mission station sa Buhawen, San Marcelino, Zambales na nakatalaga kay Santa Barbara na ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Disyembre 4.

Dalangin ni Bishop Santos na nawa sa pamamatnubay ni Santa Barbara ay maligtas sa anumang pinsalang maidudulot ng bulkan ang mga lalawigang kinasasakupan.

“We pray to her to intercede to protect us from the destruction of the volcano,” dalangin ng obispo.

Batay sa ulat ng Pinatubo Volcano Network, naitala noong Martes ang mahinang pagsabog ng bulkan bandang alas-12:09 hanggang 12:13 ng hapon.

Samantala, pinag-iingat naman ang publiko na iwasan muna ang pagpunta sa mga lugar na nasasakupan ng bulkang Pinatubo bilang pag-iingat sa mga susunod na aktibidad ng bulkan.

Magugunita noong Hunyo 15, 1991, 30 taon na ang nakalipas nang sumabog ang Bulkang Pinatubo na tinaguriang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa buong mundo sa nakalipas na 100 taon.

Nag-iwan ito ng 800-kataong nasawi at pinsala sa buong Central Luzon na umabot ng ilang taon bago muling maisaayos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 1,450 total reads

 1,450 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,978 total reads

 36,978 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 73,462 total reads

 73,462 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,673 total reads

 91,673 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,937 total reads

 175,937 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 81,178 total reads

 81,178 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top