Bagong samahan ng kalalakihang layko, pinagtibay ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads

Itinuring na magandang bunga ng Year of St. Joseph ang pagkakatatag ng Men of St. Joseph Philippines (MOSJ-P).

Ito ang mensahe ni Father Erwin Mendoza, OSJ, ang itinalagang priest-in-charge ng MOSJ-P kasabay ng paglunsad ng samahan noong December 8.

Ayon sa Pari, ito rin ay tugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na gawing huwaran si San Jose bilang mabuting ama at may mababang loob na sumunod sa kalooban ng Panginoon.

“This is one of the concrete and visible fruits of the Year of St. Joseph; a response to the call of Pope Francis as contained in his Apostolic Letter – Patris Corde, encouraging us to reflect upon the role of St. Joseph in caring and loving our Savior – with a Father’s heart,” pahayag ni Fr. Mendoza sa Radio Veritas.

Kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Paglilihi kay Maria, itinalaga ang bawat pamilya sa Pilipinas sa pangangalaga ng Mahal na Birhen at kay San Jose.

Ginawa ang national consecration sa San Roque Cathedral ng Diocese of Kalookan sa pangunguna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kasama ang ilang pamilya na nanguna sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Sinundan naman ito ng opisyal na paglunsad ng Men of St. Joseph logo na ipinaliwanag ni Fr. Mendoza.

Ang Oblates of St. Joseph na kinabibilangan ni Fr. Mendoza ang inatasan ng CBCP sa pangangasiwa sa Samahan ng mga kalalakihan para kay San Jose sapagkat nakabatay din sa spirituality ng kongregasyon ang layunin ng MOSJ-P.

Ilan sa mga layunin ng grupo ang pagpapalalim sa pananampalataya kay Jesus sa tulong Espiritu Santo at debosyon kay San Jose, himukin ang bawat isa na hingin ang tulong ni San Jose laban sa anumang kasamaan, pagkakataong hubugin ang kalalakihan sa mga gawi at halimbawa ni San Jose, isulong ang dignidad ng paggawa, at ipalaganap ang pagmimisyon at pagtugon sa pangangailangan ng simbahan sa pamamagitan ng corporal at spiritual works of mercy.

Narito naman ang ilan sa mga nararapat gawin ng mga magiging kasapi ng MOSJ-P:

MOSJ Members’ commitments (min. 72 hours per year) are express through:
1. Daily Prayer to St. Joseph
2. Monthly meetings (2 hours each)
3. Yearly conference on St. Joseph to build national unity and propagate the MOSJ -P through a yearly conference (6 hours), and
4. Yearly retreat to deepen our commitment to the Lord and His Church, and promote deeper devotion among the members to St. Joseph (42 hours).

The Men of St. Joseph encourages its members to:
1) A life of daily personal prayer
2) A deeper realization of the personal love of God the Father,
3) A personal relationship and commitment to Jesus as Lord,
4) An experience of the presence and power of the Holy Spirit and openness to all His gifts,
5) A frequent participation in the sacraments of the Holy Eucharist and Reconciliation,
6) A regular study and daily reading of the Word of God,
7) A marked faithfulness to one’s roles and responsibilities in life, within the family, the workplace and to society.
8)A deep love for and loyalty to the Catholic Church, the pope and their local bishops.
The movement is now open to all men in the parishes who wish to be consecrated to St. Joseph and become an active member.

Sa mga nais makiisa sa samahan maaring makipag-ugnayan sa mga parokya, sa Oblates of St. Joseph, at sa CBCP – Episcopal Commission on the Laity.

 

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,006 total reads

 1,006 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,134 total reads

 3,134 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 10,737 total reads

 10,737 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,116 total reads

 48,116 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 79,387 total reads

 79,387 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,250 total reads

 156,250 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 249,964 total reads

 249,964 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,007 total reads

 1,007 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top