“Holitrash” free Christmas, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total reads

Hinimok ng NASSA/Caritas Philippines at EcoWaste Coalition ang publiko na itaguyod ang walang aksaya at makakalikasang pagdiriwang upang maiwasan at mabawasan ang malilikhang basura ngayong Pasko.

Ipinagdarasal ni Caritas Philippines executive secretary Father Tony Labiao sa pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang ng Panginoon ay sikapin sa bawat tahanan, parokya at pamayanan ang payak na pagtitipon upang maiwasan ang pagsasayang at paglikha ng mga basura,

There’s no excuse for generating ‘holitrash’ (holiday trash), which can only add to the huge volume of single-use plastic waste and medical waste as a consequence of the pandemic,” pahayag ni Fr. Labiao.

Sinabi naman ni EcoWaste Zero Waste Campaigner Jove Benosa na ang labis na pagsasayang ay hindi tunay na layunin at simbolo ng masayang pagdiriwang ng pasko.

Ipinaliwanag ni Benosa na bilang mga katiwala ng kalikasan, mas makabubuting isaalang-alang din ng bawat isa ang kapakanan ng inang kalikasan ngayong Christmas season.

“We should make use of our inherent creativity and kindness to reduce our carbon footprint during the most joyous time of the year,” pahayag ni Benosa.

Kaugnay ito ng inilunsad na programa ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at environmental watchdog group na may temang “CHRISTMASAYA ‘PAG WALANG AKSAYA!: Alternative Decor at Regalo para sa Zero Waste Pasko” na ginanap nitong December 12 sa Plaza Roma, Intramuros.

Tampok sa nasabing programa ang iba’t ibang Christmas decor mula sa mga recycled materials, gayundin ang mga makakalikasang regalo na maaaring ipanghandog ngayong Pasko.

Katuwang din sa programa ang Intramuros Administration at ang Samahang Muling Pagkabuhay Multi-Purpose Cooperative mula sa Tondo, Maynila.

Hinihikayat naman ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na ipalaganap ang tunay na kahulugan at espiritu ng Pasko ng pagsilang ng Panginoon sa halip na magpasakop sa konsumerismo at pagkakaiba-iba.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 99,714 total reads

 99,714 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 176,599 total reads

 176,599 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,047 total reads

 210,047 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 245,347 total reads

 245,347 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,050 total reads

 468,050 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,392 total reads

 158,392 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top