Bagama’t kapwa nasalanta ng Bagyong Odette: Diocese ng Butuan, magpapahatid ng tulong sa Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total views

Naghahanda na ang Diyosesis ng Butuan para magbigay ng tulong sa mga labis na nasalanta ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon kay Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla, bagamat kabilang din sila sa nakaranas ng malakas na pag-ulan at hanging dala ng bagyo, bahagya lamang ang idinulot na pinsala kumpara sa mga karatig na diyosesis tulad ng Diyosesis ng Surigao.

Sinabi ng obispo na naghahanda na ang Social Action Commission ng Butuan para sa pamamahagi ng tulong bagama’t hamon pa rin sa kasalukuyan ang pakikipag-ugnayan dahil sa mga putol na linya ng komunikasyon.

“Yes, neighbor diocese po namin ang Surigao. We will help them on their needs. Kaso ‘di pa namin sila ma-contact ngayon,” pahayag ni Bishop Almedilla sa Radio Veritas.

Sa inilabas na situational report ng NASSA/Caritas Philippines, matindi ang iniwang pinsala ng Bagyong Odette sa Diyosesis ng Surigao kung saan maraming mga imprastraktura ang lubos na nawasak at mga residenteng nagsilikas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa halos 13,000 pamilya o mahigit-44,000 indibidwal ang lubos na apektado ng nagdaang sakuna sa buong Visayas at Mindanao.

Ayon naman sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Odette sa kanluran hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan na inaasahang lalabas Philippine Area of Responsibility bukas, araw ng Linggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 7,761 total views

 7,761 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,873 total views

 77,873 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 152,487 total views

 152,487 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 232,566 total views

 232,566 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 275,644 total views

 275,644 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top