Mamamayan, hinimok na makiisa sa Caritas Damayan telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Magsasagawa ang Radio Veritas at Caritas Manila ng Caritas Damayan Telethon para sa mga biktima ng Super Typhoon Odette.

Hinihikayat ang mga Kapanalig at mananampalataya na makibahagi sa pagtulong sa mga higit na apektado ng bagyo sa buong Visayas at Mindanao.

Isasagawa ang Caritas Manila Telethon for Typhoon Odette bukas, ika-20 ng Disyembre 2021 mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

Batay sa pinakahuling ulat, nasa mahigit 300-libong indibidwal ang mga nagsilikas at nananatili sa mga parokya at ibang evacuation centers habang naitala naman sa 75-katao ang nasawi dulot ng bagyo.

Bilang paunang tulong ay naglaan na ng P2.5-milyon ang Caritas Manila para sa mga diyosesis na labis na napinsala ng super typhoon o tig-500-libong piso para sa Diyosesis ng Surigao, Tagbilaran, Cebu, Talibon, at Maasin

Ang telethon ay mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM at mapapanood sa DZRV 846 facebook page at Veritas TV sa Skycable channel 211.

Ang malilikom na pondo sa telethon ay ipapadala ng Caritas Manila sa mga higit na apektado ng bagyo upang muling makabangon sa dinanas na sakuna.

Sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong-pinansyal, maaari lamang tumawag sa 8925-7931 hanggang 39 o mag-text sa 0918-837-4827 o 0918-VERITAS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,012 total reads

 31,012 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,793 total reads

 67,793 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,004 total reads

 86,004 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,332 total reads

 170,332 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,290 total reads

 206,290 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,892 total reads

 80,892 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top