Pahalagahan ang biyayang handog ng Panginoon, panawagan ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total views

Hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mananampalataya na ngayong Pasko ay sikaping magbalik-handog sa Diyos sa pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

Ayon kay Bishop Ongtioco, simbolo ng Pasko ng pagsilang ng Panginoon ang pagbibigayan kaya bilang mga katiwala ay pangalagaan ang kalikasan upang patuloy na yumabong para sa susunod na henerasyon.

“Ang kalikasang ipinagkatiwala ng Diyos sa tao kung tutuusin natin ay nagbibigay-buhay. Kaya sa Paskong ito sana mag-isip po tayo. Papaano natin ginagalang ang mga handog, biyaya lalo na ang kalikasan na pinagkatiwala ng Diyos sa atin upang ito’y mapaunlad at mapaunlad din ang buhay natin?,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-pansin din ng obispo ang malawakang pinsalang iniwan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao na umabot na sa libo-libong katao ang naapektuhan.

Ipinaliwanag ni Bishop Ongtioco na ang pagmamalabis at kapabayaan ng mga tao ang nagiging sanhi ng pagbabago ng klima ng mundo na humahantong din sa paglala ng mga sakunang dumaraan sa bansa.

“We have not taking care of our nature. Either ‘yun ay sa pagmimina o pagpuputol ng mga punongkahoy. It’s a call for all of us na alagaan ang kalikasan na pinagkatiwala ng Diyos,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Panawagan naman ng obispo na nawa ngayong Pasko ay manaig ang pagmamahal, pagkakaisa at pagtutulungan upang sama-samang makabangon mula sa mga pagsubok ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 69,450 total views

 69,450 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 99,672 total views

 99,672 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 126,323 total views

 126,323 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 221,296 total views

 221,296 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 237,787 total views

 237,787 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top