Tulong ng gobyerno, panawagan sa pinsalang dulot ng bagyo sa sector ng agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total views

Kinakailangan ang nagkakaisang tulong ng pamahalaan at mamamayan ang higit na kinakailangan upang tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na labis na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mutual Relations and Consecrated Persons Chairman, Cubao Bishop Honesto Ongtioco matapos maitala ng Department of Agriculture (DA) ang P362-M pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.

“Yung suporta sating magsasaka sino pang tutulong sa kanila? kung hindi tayo mga kababayan nila, kaya ito’y tawag din sating mga may kapangyarihan na mag-conduct ng business sa ibang bansa,” ayon sa panayam ni Bishop Ongtioco

Binigyan diin ng Obispo ang pagbibigay ng pangangalaga sa higit na kinakailangan ng mga magsasaka sa Pilipinas na pangunahing nagsusuplay ng pagkain sa bansa.

Kung kaya’t sa panahon ng krisis at pananatili ng banta ng pandemya, kinakailangan ng sektor ng agrikulura ang pag-tulong mula sa mga sangay ng pamahalaan.

“May sinasabi tungkol sa agrikultura na bigyan ng proteksyon, suporta itong ating mga magsasaka na buong buhay nila for many generations sila ay inaasahan ng bansa sana huwag silang pabayaan nasa atin din yon nasa may kapangyarihan nasa sektor ng agrikultura na dapat bigyan ng pansin ito otherwise kawawa sila, kawawa ang ating bansa, wala tayong maaring inaasahan sa future okay?,” ayon sa Obispo.

Umaapela rin si Bishop Ongtioco sa mamamayan na tangkilikin ang mga produkto ng lokal na sektor ng agrikultura upang matulungan ang kabuhayan ang mga manggagawang kabilang sa sektor ng agrikultura at mga pamilyang sumusuporta sa kanila.

Sa pinakahuling tala ng DA Disaster Risk Reduction Management Council Operations Centers umaabot na sa 362.3-Milyong piso ang idinulot na pinsala ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 69,546 total views

 69,546 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 99,768 total views

 99,768 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 126,419 total views

 126,419 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 221,392 total views

 221,392 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 237,877 total views

 237,877 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top