5-day PHILHEALTH holiday, ipinagpaliban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Ipinagpaliban muna ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ang binabalak na “five-day PhilHealth Holiday” na isasagawa sa Enero 01-05, 2022.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, sinabi ni PHAPI President, Dr. Jose Rene de Grano na layunin ng PhilHealth holiday na suportahan ang mga pribadong ospital na nag-anunsyong puputulin na ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa mga hindi pa nababayarang utang.

“Napakarami pong kadahilanan ng paglulunsad ng PhilHealth holiday. Isa na po rito ang hindi nila tamang pagbabayad sa mga ginastos ng mga pribadong ospital para sa mga pasyente. ‘Yun po’y mga claim reimbursement lang na kailangan pong ibalik sa mga ospital nang sa gayon ay maipagpatuloy namin ang pagse-serbisyo lalo na sa mga indigent patients,” pahayag ni de Grano.

Ipinaliwanag ni de Grano na ang benepisyong makukuha ng miyembro ng PhilHealth ay inaako muna ng pribadong ospital at saka ito sisingilin sa health insurer.

Ngunit, suliranin naman ang matagal na pagbabayad o kaya nama’y hindi agad ito nababayaran ng PhilHealth sa itinakdang araw ng mga private hospital.

“‘Yan nga po ang nangyari dito sa nakaraang dalawang taon, especially nung pumasok ang mga kaso ng COVID. Alam naman po ninyo na kapag COVID, napakalaki ng PhilHealth benefits na makukuha ng pasyente,” saad ni de Grano.

Nitong nakaraang linggo ay napagkasunduan ng pamunuan ng Far Eastern University – Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) na hindi na mag-renew ng accreditation sa PhilHealth dahil umabot na sa P200-milyon ang unpaid claims nito.

Nauna rito, pitong malalaking pribadong ospital sa Iloilo City ang gustong putulin ang pakikipag-ugnayan sa PhilHealth sa susunod na taon dahil din sa unpaid claims na nagkakahalaga ng humigit sa P545-milyon.

Ayon naman sa PhilHealth, nabayaran na nito ang P11.64 billion na claims sa pamamagitan ng Debit Credit Payment Method (DCPM) sa mga pribadong ospital sa buong bansa.

Sa kabuuan, ang pagkakautang ng government-owned insurance company sa mga private hospitals ay aabot sa P20-bilyon.

Ang PHAPI ay mayroong humigit-kumulang 700 miyembro, kung saan karamihan dito ay PhilHealth accredited.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,372 total reads

 11,372 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,668 total reads

 92,668 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,893 total reads

 186,893 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,383 total reads

 247,383 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,733 total reads

 260,733 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,176 total reads

 70,176 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top