Huwag pahirapan ang taumbayan, hamon ng pari sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Huwag ng pahirapan ang mamamayang nakakaranas ng ibat-ibang suliranin dahil sa pandemic.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Rev.Fr.Jerome Secillano sa pagpapairal ng “NO VACCINE NO RIDE POLICY” ng Department of Transportation (DOTR) bukas January 17 2022.

Sinabi ng Pari na nararapat bigyan ng maayos na pamumuhay na may dignindad ang mamamayang Pilipino.

“Wag naman sana’ng mga mahihirap na Pilipino na naman ang unang ma-a-apektuhan ng ganitong polisiya, Nais nating mabigyan ng pagkakataon na lahat ng mg Pilipino ay mabuhay ng mapayapa at matiwasay ngayong panahon ng pandemya,” ayon sa mensahe ng Pari na ipinadala sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Father Secillano ang kakulangan sa kita ng maraming manggagawa dahil sa pagkatanggal sa trabaho at pagkawala ng kabuhayan.

“Alam nating lahat na mahirap kumita at maghanap-buhay ngayong panahon ng pandemya,” pagbabahagi pa ng Pari.

Pagbibigay diin ni Father Secillano na tungkulin ng Pamahalaan na tulungan ang mamamayan sa halip na pahirapan.

Sinabi ng pari na dapat tiyakin ng pamahalaan na ang bawat mamamayan ay kasabay sa mga pag-asenso at kabilang sa mga isinasagawang programa ng gobyerno.

Iginiit ng Pari na hindi makakatulong sa mga Pilipino ang pagpapatupad ng polisiya na magdudlot ng paghihirap.

“Obigasyon ng pamahalaan na tulungan ang taong-bayan. Ang trabaho ng pamahalaan ay siguraduhing hindi naiiwan ang mga ordinaryong Pilipino sa serbisyong ipinagkakaloob nito, Hindi makakatulong kung mismong pamahalaan ang gagawa ng polisiya na hindi makakatulong sa mga ordinaryong Pilipino,” ayon pa kay Fr.Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,762 total reads

 96,762 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,795 total reads

 173,795 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 207,243 total reads

 207,243 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,543 total reads

 242,543 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,339 total reads

 465,339 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top