Ituring na napakahalagang biyaya ng panginoon ang mga bata- Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total reads

Likas na katangian ng mga Pilipino ang pagiging malapit sa mga bata.

Ito ang pagninilay ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa Kapistahan ng Panginoong Hesus, ang Banal na Sanggol o mas kilala rin bilang Kapistahan ng Santo Nino.

Ayon sa obispo, ang kultura at katangian ng mga Pilipino bilang mapagmahal sa mga bata ang sumasalamin kung bakit ang buong Pilipinas ay mayroong masidhing debosyon sa Mahal na Santo Nino.

“Mapagmahal at mapag-alaga tayo sa mga bata. Nakikita natin ang mga bata na regalo ng Diyos at ito ay iniingatan natin,” pagninilay ni Bishop Pabillo.

Sinabi naman ni Bishop Pabillo na dahil sa udyok ng lipunan, mas bumababa ngayon ang tingin sa mga bata at itinuturing na sagabal sa pagkakaroon ng kaligayahan at kalayaan.

Dahil dito, hinihimok ng obispo ang bawat isa na patuloy lamang na pahalagahan ang mga bata at tingnan bilang mahalagang biyaya mula sa Diyos.

“Kaya huwag tayo magpadala sa kaisipan na ang bata ay sagabal sa ating kaligayahan at kalayaan. Huwag natin silang tingnan bilang gastos. Tingnan natin sila bilang biyaya at sila ang nagbibigay ng lakas ng loob sa atin,” ayon sa Obispo.

Unang lumaganap ang debosyon ng mga Pilipino sa Santo Nino nang dalhin ni Ferdinand Magellan kasama ang iba pang kastila, ang pananampalatayang Kristiyano sa Cebu noong 1521.

Ang Santo Nino ang isa sa mga simbolo ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 12,736 total reads

 12,736 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 51,038 total reads

 51,038 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 69,248 total reads

 69,248 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 153,576 total reads

 153,576 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 190,321 total reads

 190,321 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,078 total reads

 80,078 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top