Huwag pahirapan ang taumbayan, hamon ng pari sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Huwag ng pahirapan ang mamamayang nakakaranas ng ibat-ibang suliranin dahil sa pandemic.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Rev.Fr.Jerome Secillano sa pagpapairal ng “NO VACCINE NO RIDE POLICY” ng Department of Transportation (DOTR) bukas January 17 2022.

Sinabi ng Pari na nararapat bigyan ng maayos na pamumuhay na may dignindad ang mamamayang Pilipino.

“Wag naman sana’ng mga mahihirap na Pilipino na naman ang unang ma-a-apektuhan ng ganitong polisiya, Nais nating mabigyan ng pagkakataon na lahat ng mg Pilipino ay mabuhay ng mapayapa at matiwasay ngayong panahon ng pandemya,” ayon sa mensahe ng Pari na ipinadala sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Father Secillano ang kakulangan sa kita ng maraming manggagawa dahil sa pagkatanggal sa trabaho at pagkawala ng kabuhayan.

“Alam nating lahat na mahirap kumita at maghanap-buhay ngayong panahon ng pandemya,” pagbabahagi pa ng Pari.

Pagbibigay diin ni Father Secillano na tungkulin ng Pamahalaan na tulungan ang mamamayan sa halip na pahirapan.

Sinabi ng pari na dapat tiyakin ng pamahalaan na ang bawat mamamayan ay kasabay sa mga pag-asenso at kabilang sa mga isinasagawang programa ng gobyerno.

Iginiit ng Pari na hindi makakatulong sa mga Pilipino ang pagpapatupad ng polisiya na magdudlot ng paghihirap.

“Obigasyon ng pamahalaan na tulungan ang taong-bayan. Ang trabaho ng pamahalaan ay siguraduhing hindi naiiwan ang mga ordinaryong Pilipino sa serbisyong ipinagkakaloob nito, Hindi makakatulong kung mismong pamahalaan ang gagawa ng polisiya na hindi makakatulong sa mga ordinaryong Pilipino,” ayon pa kay Fr.Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 12,622 total reads

 12,622 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,940 total reads

 50,940 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 69,150 total reads

 69,150 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 153,478 total reads

 153,478 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 190,224 total reads

 190,224 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,385 total reads

 19,385 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top