Kapakanan ng mamamayan, isinaalang-alang sa “no vaccine no ride policy” ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

Inihayag ng Military Ordinariate of the Philippines na isinaalang-alang ng pamahalaan ang kapakanan ng mamamayan sa pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa pandemya.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, nag-iingat lamang ang pamahalaan upang maiwasan ang higit na paglaganap ng COVID-19 lalo na sa mga hindi bakunadong indibidwal.

“Siguro naman ang basehan nila ay ang kapakanan ng nakararami,” mensahe ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Nilinaw ng Obispo na ito ay pansariling pananaw sa ipinatupad na ‘No Vaccine, No Ride’ policy ng Department of Transportation simula noong January 17, 2022.

Batid ni Bishop Florencio na ilan sa mga karapatang pantao ang maaaring maapektuhan sa polisiya subalit iginiit na pansamantala lamang ito.

“Mayroon talagang mga rights na matatamaan pero ang ganitong measure naman sa palagay ko ay pansamantala lamang at ito ay lilipas din,” ani Bishop Florencio.

Ayon naman sa DOTR, matagumpay ang unang araw ng pagpatupad sa ‘no vax, no ride’ policy kung saan mahigit sa isanlibong pasahero sa mga railways ang hindi bakunado ang nasita.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang nasabing polisiya ay naglalayong matulungan ang bansa na mapababa ang kaso ng mga nahawaan ng virus.

Tiniyak ng Kagawaran na ibayong pag-iingat at paggalang sa mamamayan ang kaakibat sa pagpatupad ng polisiya kasabay ng paalala sa mga nahuling indibidwal na magpabakuna upang maging ligtas sa banta ng pagkahawa.

Una nang nanawagan ng kahinahunan si Bishop Florencio sa mamamayan at muling umapela na makiisa sa vaccination program para sa proteksyon ng sarili at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,071 total reads

 54,071 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,519 total reads

 133,519 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,964 total reads

 166,964 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,262 total reads

 202,262 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,628 total reads

 426,628 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top