Obispo, muling nanawagan sa mamamayan na magpabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Muling hinikayat ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagpapabakuna dahil ito’y sumisimbolo sa pagkakaroon ng pag-asa upang malagpasan ang krisis na sanhi ng umiiral na pandemya.

Dagdag ni Bishop Santos na kapag bakunado ang lahat, matitiyak ng bawat isa ang kaligtasan ng sarili at makakatulong din upang hindi mahawaan ng virus ang kapwa.

“Tayo po ay magpabakuna para sa ating kinabukasan, na ang bukas natin ay ligtas, maayos at maganda,” mensahe ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, sang-ayon naman si Bishop Santos na palaganapin ang house-to-house vaccination para sa malalayong komunidad lalo’t higit sa mga senior citizen at mayroong comorbidities.

Sinabi ng Obispo na higit itong makakatulong sa mga malalayo sa vaccination sites at magbibigay rin ng kapanatagan upang maiwasan ang pangambang mahawaan ng COVID-19 sa labas ng mga tahanan.

“Sadyang mabuti at kaaya-aya na kayo na ang pupuntahan upang bakunahan. Hindi na magpapagod pa, menos abala, at tiyak na hindi kayo mangangamba na mahawahan sa paglabas ng bahay,” ayon sa Obispo.

Magugunitang sinabi ng Malacañang na isa sa mga epektibong paraan na ipinapatupad sa mga local government units ay ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination upang mapabilis ang pamamahagi ng bakuna sa bawat mamamayan lalo na sa mga matatanda at mayroong iba pang karamdaman.

Batay naman sa huling tala ng Department of Health, nasa mahigit 57-milyong Filipino na ang kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19 o higit sa 70 porsyento ng kinakailangang populasyon upang maabot ang herd immunity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,288 total reads

 93,288 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,452 total reads

 170,452 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,900 total reads

 203,900 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,199 total reads

 239,199 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,094 total reads

 462,094 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,212 total reads

 158,212 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top