Mga magulang, hinikayat ng PMA na pabakunahan na ang mga anak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total views

Hinikayat ng Philippine Medical Association ang mga magulang na pabakunahan laban sa coronavirus disease ang mga batang nasa edad lima hanggang 11 taong gulang.

Ayon kay Dr. Beny Atienza, pangulo ng PMA, tulad ng mga senior citizens at mayroong comorbidities, ang mga bata ay mahina pa ang immune system at mabilis na makapitan ng anumang sakit tulad ng COVID-19.

“Dapat mabakunahan na ang mga bata lalo na po yung 5-11 years old. Ang mga bata kasi ay vulnerable lalo na ‘yung may mga sakit, mayroong comorbidity tsaka immunocompromised ay dapat mabakunahan na,” pahayag ni Atienza sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Paalala ng eksperto na bago bakunahan ang mga bata, dapat muna itong magpakonsulta sa doktor upang malaman kung mayroon itong kasalukuyang karamdaman at mabigyan ng pahintulot na maaari nang makatanggap ang bata ng bakuna kontra-virus.

“Ang napaka-importante lang po dito, dapat po alam natin lalo na po ‘yung may mga comorbidity na bata na dapat may authorization at consent mula sa mga doktor nila upang payagan nang magpabakuna,” ayon kay Atienza.

Samantala, ilan pa sa requirements para sa vaccination ng mga bata batay sa panuntunan ng Department of Health ay dapat mayroong kasamang magulang o guardian ang batang magpapabakuna; katunayan ng relasyon sa magulang o guardian (e.g. birth certificate); Valid ID ng bata at kasamang magulang o guardian; medical certificate, kung mayroong comorbidities; face mask at face shield; mga kagamitang panulat; at alcohol, pamaypay, at inuming tubig.

Dagdag pa rito na kung sakaling walang maipakitang valid ID ang bata, ang mga barangay captain ang maaaring gawing katunayan sa pagkakakilanlan ng bata.
Sisimulan ng pamahalaan ang pamamahagi ng bakuna sa 14 na milyong mga batang may edad lima hanggang 11 ngayong Biyernes, February 4, 2022.

Isasagawa ang vaccination roll out sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa – Skydome, at Fil Oil Gym sa San Juan City.

Ang Pfizer vaccine ang nakalaang bakuna sa mga bata kung saan mababang dosage at concentration lamang ang ibibigay kumpara sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 13,534 total views

 13,534 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 137,945 total views

 137,945 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 181,268 total views

 181,268 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 261,719 total views

 261,719 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top